Help!!!

Marso 5, 2009 bandang 1:14 hapon | Ipinaskil sa kamommyhan | 6 mga puna

Sa mga mommys out there, i need some tips. Ikukuwento ko muna ang buong istorya. Nung nasa hosp pa kami, 2nd night ayaw matulog ni Lara. Iyak ng iyak sya the whole night. Ang ginawa ng nurse nilagyan nya ng bars yung kama ko at dun nya sa tabi ko pinatulog ang baby. Since then, di na nahiwalay sakin ang bagets. First day namin dito sa bahay ayaw nya talagang matulog sa crib. Ewan ko kung anong problem ng baby crib pero ayaw nya talaga dun. Shempre para sa ikatatahimik ng lahat sa kama namin sya ni bossing natulog, kaya until now samin parin sya naka pisan. Sa totoo lang, walang problem sakin ang matulog sa kama namin si Lara, kasi sa pinas ganun talaga, ewan ko lang sa iba. Nung buntis pako nasabi ko sa nanay ko na may sariling kama at maliit na kwarto ang baby, bakit daw hindi ko sya itatabi sakin kasi nga ganun kami nasanay lahat magkakapatid, humiwalay nalang nung medyo malaki laki na, pero pag sanggol sa nanay talaga natutulog. So balik tayo sa aking bubwit, ayun nga ay ayaw nyang matulog sa baby crib. Dito sa DE hindi advisable na itabi ang baby sa kama ng parents dahil delikado, meron kasing mga cases at pangyayaring hindi maganda sa mga babies na hindi ko na sasbihin kasi ayokong ientertain ng idea, basta pwedeng hindi makahinga ng maayos yung etc etc. Kaya ngayon medyo nagwoworry rin ako, gusto ko rin shempre matutong matulog sa sarili nyang kama ang baby pero kung ayaw nya talaga anong gagawin ko. Lahat na nagawa ko mula gamit na tshirt ko,relaxing cds, wa epek. Napagusapan namin ni bossing na pag medyo malaki laki na sya like mga 3mos siguro, itatry ulit naming patulugin sya sa crib. Masarap lang ang tulog nya pag sa tabi ko sya natutulog,haaay buhay pano bato?
bild-0251

Advertisements

my first month

Pebrero 13, 2009 bandang 12:58 hapon | Ipinaskil sa kamommyhan | Mag-iwan ng puna

After ng mahaba mahabang kwento ng aking delivery adventure, di pa pala dun natatapos ang lahat or should i say dun palang mag uumpisa ang pag baligtad ng mundo ko at naming mag jowa. Dati rati iniisip ko na nagiinarte lang ang mga first time moms or moms every time na sasabihin nilang literally wala silang tulog dahil sa baby. Waaaa totoo pala ang mga sabi sabi, di biro ang may bagets sa bahay. Dahil sa isang maliit na bubwit kahit magbanyo diko na magawa, sounds exaggerating pero totoo, kayang kaya nyang paikutin ang pw*t namin everytime na iiyak sya. Sa gabi parang akong aning, hindi ako makatulog ewan ko kung bakit. Sa sandaling mapikit ako parang may biglang may gigising sakin at napapabalikwas ako direcho agad sa crib. Hay, ganito ba talaga?pwedeng pwede na nga akong mag apply na security guard. Siguro ganito talaga ang mga first time moms, lahat bago, madaling mataranta. Pero sa kabuuan, my first month was the most adventurous i’ve ever experienced so far, pero gaya lagi ng sinasabi ng marami at paulit ulit kong sasabhin, its all worth it !!!
bild-047

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.