prego tips

Abril 29, 2009 bandang 1:34 hapon | Ipinaskil sa buntis posts | 2 mga puna

maybe these are not really tips rather “things that i like about being pregnant” of sort and experience all together =)

1. you have a great excuse to pig out, kiber ang figure
2. funny but i never felt so sexy not until i have the bump, super kabog na kabog feeling ko at super 2piece bikini why not
3. Baby Bazar, we literally go to all bazars listed on a baby magazine every weekend, we ended up buying a lot yung iba dina nagamit napagliitan nalang, and i love the Cake buffet ha
4. if you can enroll to a childbirth course do it, kahit puro breathing exercise lang its also nice to meet other prego girls, if your husband can make it let him join the course, it would be a nice bonding time for you both.
5. Infant Care course is also nice for first time parents, you will learn how to change diapers,baby bath etc….its fun!
6. Buy or borrow a good pregnancy book that will give you knowledge about pregnancy and birth, you can also use the internet, and some free baby magazines and reading materials,super daming tips na matututunan.
7. take advantage of the freebies, like mga sample baby products atleast its in little packaging and you can try it first before buying it in big bottles, not all products wether expensive or not di mo sure kung hiyang si baby.
8. for prego get ups, i love the pregnancy jeans with stretchy panels super comfi and stylish at the same time. You can also still wear your normal low rise jeans by using hair ties as lock, Baby belts the best also.
9. Sa PH pwedeng matulog ang bantay sa hosp,dito sa DE hindi, kaya if you can have like a family room that would be nice, like we did bossing was with me for 4 days, its very practical and the baby slept in our room and not in the nursery.
10. yung sinasabi nila na you should walk, its true it will avoid having swollen feet and legs

so far ito muna =)

a

turn of events

Pebrero 9, 2009 bandang 2:54 hapon | Ipinaskil sa buntis posts | 7 mga puna

warning:sa mga buntis na naghihintay nalang ng due date,hindi ito nararapat sa inyo.

Pasensya na sa newsblackout or should i say blog blackout. Sa mga oras na ito ay busing busy ang lola nyo sa aking bagong role. Pipilitin ko paring ma update ang blog na ito para naman malaman nyo parin kung pano ko nilalabanan ang puyat at pagod ng pagiging isang INAH =P, for the meantime eto muna ang buong kwento ng grand entrance ni Lilaybulilit.

Jan 11
4am – nagising ako para magbanyo,nung pabalik nako sa kwarto biglang parang may tumilamsik na tubig. Hindi gush gaya ng nabasa ko sa mga pregnancy books, parang lang akong naweewee ng konti. Dali dali akong bumalik sa banyo para i double check, at nakita ko nga na merong blood stain. Ginising ko si bossing para sabihin ang nangyari, inisip ko kasi baka waterbag nayun. Sabi nila amuyin(alam ko medyo yuck, pero yun talga ang nakalagay libro heheh) ang amniotic fluid daw amoy matamis, pero pag amoy pangkulot alam mo nakung ano yun. Unfortunately amoy parlor yung liquid so malinaw na hindi pa pumutok ang waterbag ko. So ang puzzling nalang eh yung stain of blood. Bumalik kami sa kama at kinuha namin pareho ang 2 pregnancy books na meron kami isang english at isang german shempre. Sabi sa book na binabasa ko it would take hours or days or weeks daw bago pa manganak after ng blood stain. Ang cause kasi ng blood stain ay possible dilation. After ng incident nakaramdam nako ng cramps, parang Dysmenorrhea lang pero patuloy parin ang blood stain ko.

10am- nakuha naman sa tulog yung pain, dedma narin yung blood stain pero habang tumatagal tumitindi yung sakit. dko maisip kong lalabas naba talga ang lilay bulilit or nananakot lang sya. nakapag chat pako sa mga friends ko at nakapag text parin ako sa pinas family ko.

12nn- tumigil ang pain, parang walang nangyari so feeling namin ni bossing practice lang.

4pm- nag start na naman ang hilab at this time sinubukan na naming orasan, dumalas sya ng dumalas every 5mins and lasted 60seconds each. super sakit na talga.

9pm- pumunta na kami sa hospital, sarado na ang hosp for visitors kaya nag door bell kami muna kami. pinagbuksan kami ng nurse at unang tinanong kung pumutok na ang waterbag, since hindi pa dumerecho kami sa parang waiting room na merong bed at CTG para iobserve yung frequency ng contraction and heartbeat ng baby. sabi ng midwife under observation ako for 30mins then she will check kung how far nakong dilated. So after 30mins bumalik yung midwife to check yung contractions ko which is very regular and strong, ok din ang baby. Chineck nya rin how far i was dilated pero unfortunately 0cm dilation parin ako.

11pm
nag suggest yung midwife na mag warm bath ako para ma lessen yung pain, kahit di ako fan ng bathtub go narin baka nga makatulong sa sobrang sakit.

12mn for an hour akong nasa bathtub bumalik ako sa bed, kinabit ulit yung CTG for monitoring. regular parin yung contraction, i asked the midwife kung false alarm lang ba sabi hindi daw. based sa CTG ko regular na ang contraction at possible na lalabas ang baby. I was thinking kasi na baka pauwiin rin lang kami after since dko pa naman talga due.

2am, Jan 12 – chineck uli ng midwife kung ilang cm na, my god 2cm palang ako at ang layo layo pa ng baby, meaning nasa taas parin sya and since intact parin ang waterbag ko di pa makapa ng midwife ang ulo nya.

3am -super lantang gulay nako, naawa na ang mga tao sakin, nagdecide ang midwife na temporarily ihinto muna ang contraction by taking a medicine para makatulog at makapag pahinga ako. accdg to her after 3hrs dapat bumalik ang contraction.in short tumigil ang hilab, nawala ang pain, nakatulog ako until 7am, nakapag breakfast at nakapag lakad lakad.

9am ang problema di parin bumabalik ang hilab, mukhang tuluyan na syang tumigil, kaya nagdecide ang doctor na pauwiin kami. Waaaah umuwi kami ni bossing ng luhaan. On our way home sabi ko daan kami sa asian market gusto kong kumaing ng lumpiang togue. So namili muna ako ng mga pinoy epektus bago kami umuwi. Pag dating namin sa bahay nagpahinga lang kami pareho at natulog ang kaawa awa kong kabiyak na sobrang puyat. Before dinner tumambay kami sa mga inlaws ko para magkwento kung anong nangyari. Lumakad naman ng maayos ang gabi nakapag dinner kami ng ginisang togue tapos nagtira ako ng konti for the next day for my lumpia sa pag aakalang makakapag luto pako ng lumpia.

Jan 13
6am – nagising na naman ako sa sobrang sakit, and this time to the next level na talga. Ginising ko na si A parang pumunta kami sa hosp kasi diko na kaya.

7:14am
– dumating kami sa hospital, naabutan ko pa ang late shift na midwife, as usual nag stay na naman kami sa observation room gaya ng ginawa namin last time. inorasan na naman ang frequency ng cramps ko at ang heartbeat ng bata.

9am- i was only 4cm dilated, intact parin ang waterbag, hirap na hirap nako kaya nag suggest na ang midwife ng PDA or Epidural Anaethesia, ito yung painless. Bale continous ang contraction pero ang level ng sakit parang normal na menstrual cramps lang, in short yakang yaka. Sa totoo lang gusto ko sanang magemote na kayanin ang labor and birth naturally walang kahit anong gamot, pero after ng maranasan ko ang sakit di na ako nagdalawang isip sinabi ko na talaga kay A isaksak na nila ang lahat para lang mabawasan ang sakit.

1030am
– dumating yung anaesthesiology para ipeform ang PDA. Ito ay local anaestheisa na tinuturok sa spine, so papamanhirin yung buong lower part ng katawan ko. Grabe ilang mins din inabot sa pag turok lang gamot nato, nahirapan yung doctor. ewan baliko siguro yung spine ko hmp.

11am
– umeffect nayung gamot, in fairness as in carry lang talaga maning mani ang labor, nakuha ko pang kumain ng lebkuchen sa gutom ko at nagbibiruan pa kami ni A.

12noon– chineck ng midwife kung nag improve bako, 5cm palang. sobrang bagal ng development ko.

5pm
-naka 2 shots nako ng PDA, pero ang problema mabagal talaga ang development ko. This time was 8cm pero dipa rin bumababa ang baby at the same intact parin ang waterbag ko. Nagdecide na ang doctor na putukin ang waterbag para ma encourage na bumaba ang baby. Pero sabi ng doctor risky ang pag putok ng waterbag, pwede kasing sa sobrang bilis ng pagkilos ng baby ma discolate ang pusod at pumulupot sa baby or lumusot ang pusod. Kaya after nya maexplain yung method na gagawin nya, nag order sya sa midwife na ihanda ang operating room para just in case magkaroon ng problem iemergency cesarian ako pero kung maging ok walang risk, tuloy ang labor. Sabi ng doctor i try parin namin ng 1 hour labor kung di na talaga kaya CS na talaga.

6pm– pinutok ang waterbag ko at thank god wala namang naging peligro. Sabi nila medyo greenish nayung water ko, which probably mean may stress na sa baby dahil sa sobrang tagal ng labor. Unti unti ng wear out ang PDA so back to normal labor na ulit ang lola, grabe this time nag start nakong mag push ng pakonti konti. Unti unti naring bumababa ang baby. Pero feeling ko lantang gulay nako

7pm- I was almost open pero ang problem yung baby malayo parin, parang di na yata sya baba or di sya kasya siguro. Nagdecide na ang doctor na i CS nako dahil mas lalo lang akong mahihirapan pati ang baby kung tatagal pa ang labor, masyado ng matagal ang paghihirap namin pareho. After 30mins preparation, i was brought to the OP room and given PDA again. I was half awake, kaya alam ko lahat ng nangyari, nasa tabi ko si A the whole time. It was a very strange experience, feeling ko nasa ibang planeta nako kasi yung mga ilaw parang ang weird ng feeling.

exactly 8:48pm, Lara Sophie was born, 3130gms,51cm

img_3811

img_3810

Di naman sya malaki para mahirapan ako ng ganun, pero sabi ng doctor maliit daw ang pelvic bone ko kaya di sya nagkasya…haaay buhay ito ang naging experience ko sa panganganak.Sa ngayon diko pa masasabi kung makakanta na ako ng “isa pa isa pa, isa pang baby” =P

ayokong magreklamo,10days more to finish line

Enero 8, 2009 bandang 11:10 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 1 Puna

Nakakapagod at 38weeks anytime pwede ng lumabas si lilaybulilit. After ng practice last week at pangtatanso samin akala ko talaga lalabas na sya,sayang di tuloy ako nakasama sa EB ni Toni at Kengkay. Sa ngayon isang word lang ang pwedeng idescribe sa nararamdaman ko “pagod”. Pagod nakong matulog ng nakatagilid,pagod nakong maglakad ng mabagal, pagod nakong magpabalik balik sa c.r.,pagod nako sa paninigas ng tyan ko everytime na magstre stretch itong roomate ko,pagod nakong isuot yung mga malalaking blouses ko, ayoko ng tumingin sa salamin feeling ko isa nakong malaking maga..sorry i know being is great pero sa totoo lang im tired of being pregnant =(.

p,s, Kengkay ayaw pumayag ni darling dun sa suggestion mo =P hheheh

maldita

Disyembre 10, 2008 bandang 8:22 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 9 mga puna

for the 2nd time, sumuko nako sa 3d ultrasound.ang malditang baby sa tyan ko ayaw magpakita, last time na pumunta kami sa OB pag tapat palang ng sonogram kamay at paa nasa mukha nya, ginawa lahat ng OB para makakuha ng magandang view pero di talaga umubra. buti nalang di namin kailangan magbayad. haaay pasaway!!!

untitled

Disyembre 1, 2008 bandang 11:28 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 4 mga puna

I Am Not Alone

Running errands and talking on the phone,
I am pleasantly reminded that I am not alone.
Little tiny hands a precious rounded knee
pushing and twisting that no one can see.
Oh sweet child kicking up your heels,
it is our little secret that only I can feel.
I look forward to your birth,
when I can kiss your skin,
but for now I will just smile,
As I feel you play within.

Author Unknown

cute2

medyo latest update

Nobyembre 10, 2008 bandang 11:51 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 7 mga puna

Oct 28 (anak is 7mos)

One day before my birthday ang OB schedule namin, big day nga ito gaya ng last kong nabanggit sa last post ko. Pagdating namin sa clinic shempre routine check up of my urine, blood pressure at weight. My god 67.7kgs nako…kakaloka, BP is 112/60 so far normal naman daw ang lahat. Pagkatapos ng lab dumirecho kami sa isang maliit na room para sa CTG or Cardiotokographie; Dito ioobserve ang heartbeat for 30mins, pati narin kung meron akong contractions. Ang normal rate daw is between 120-160, in fairness normal naman ang heartbeat ni anak. Ang ingay sa loob ng room pero ganun pa man daig pa namin ang nakikinig ng music, shempre musika sa tenga ang heartbeat ng baby namin. Ang dalas rin yang sumipa, the whole time parang gusto nyang sipain yung mga wires, at everytime na gagawin nya yun na didisplace yung mga wires kakatuwa =). After ng CTG naghintay na kami sa waiting room para check up ni doc. Nung turn na namin, usual tanong tanong kung ok ang lahat at pagkatapos pinapunta na nya kami sa utrasound room, shempre ang pinakahihintay na moment ni bossing. Malaki na ang baby sa tyan ko, parte parte nalang ang pwedeng makita, di na kaya ng machine na kunan ang buong baby. Sa ultrasound feeling ko kamukha ni bossing ang baby, swerteng bata hahahahah, pero sabi nya kamukha ko daw. Basta carry nalang kung sino ang kamukha ang importante malusog at normal. Ok rin ang resulta ng CTG, normal ang heartbeat ng baby at wala rin akong contractions pa. After ma print ang mga kopya namin, derecho naman kasi sa isang pang OB para sa 3d ultrasound.

img_36600

Ok rin yung isang OB, mabait din at simpatiko, sya rin yung magiging atteding OB sa delivery ko, resident kasi sya ng hospital kung saan ako manganganak. Medyo di lang kami sa pinalad sa 3d ultrasound, ito kasing si lilaybulilit natulog tapos pumuwesto ng nakatago so hindi makakuha ng magandang view si doc kainis, sayang yung punta namin. Nakapag print sya ng isang picture buti nalang di kami pinagbayad, ang mahal pa nama kung saka sakali, nag ask nalang sya ng panibagong schedule. Babalik kami sa Nov 26, hay di pa naman lumalabas pasaway na hehehe

Rewind part 2

Nobyembre 7, 2008 bandang 9:27 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 1 Puna

Patuloy sa pagbabalik tanaw……

July 1 (anak is 3mos)
ang sumunod na OB check up. From 59.5kgs nag loose ako ng weight to 58kgs, sa mga nakalipas na linggo unti unti ko ng naranasan ang hirap ng pag lilihi.Literally i banned myself from the kitchen. Namuhay ako ng skyflakes lang at tubig, ayokong makaka amoy ng mantika,anykind of meat,anything na may gatas, kahit chocolate naka away ko rin.Bukod sa pagtulog naging hobby ko rin ang pagsusuka, ang banyo naging tamabayan at toilet bowl naging bestfried. Kapag naiinip ako umiiyak ako, weird pero ganun pala talaga. Akala ko yung mga buntis na naglilihi dati nagiinarte lang, pero may ganun palang moments sa pagbubuntis. This time nagulat kami sa mabilis na development ng aming tamagochi from bulate to gummy bear, makalipas ang isang buwan para lang syang nasa cocoon walang kibo nun, pero sa latest ultrasound sobrang active at pa swim swim pa. Nirequire din ng doctor ang maraming test tulad ng RH status,anti body screening, Hepatitis B, Chlamydia trachomatis-antigen, Toxoplasmose lahat yan through blood test.
baby_01jul2008_381mm_1clip

baby_01jul2008_381mm_2clip1

Aug 5 OB visit (anak is 4mos)
Naka leave yung OB ko kaya ibang OB ang nag attend samin, may ultrasound pero wala syang picture na na iprint for us sayang. Mas masikip na kinalalagyan ngayon ng baby, konti narin yung movements nya sumipa lang sya ng isang beses para mag pakitang gilas kay bossing. Awa ng dyos lahat naman ng test lumabas na negative. This time unti unti nakong nakakarecover sa hirap ng paglilihi, nadadagan narin ako ng timbang from 58kgs to 58.4 pero ang mababang blood pressure naman ang naging malaking issue. Sabi ng doctor 96/54 ay masyadong mababa lalo pa sa isang buntis na tulad ko, inadvise akong kumain ng mga pagkaing rich in iron at ipagpatuloy ang iron supplements.

Sept 2, 2nd major check up (anak is 5mos)
Major check up kasi nag conduct ng detailed ultrasound yung OB ko, this time sinukat na nya ang fetus, ang laki ng ulo at heartbeat, ang movements,blood etc. Pakonti na ng pakonti ang pwedeng makita sa ultrasound kasi palaki na ng palaki ang baby. Ngayon per part na, nakita narin namin yung face at yung kamay pati yung thumb. Ang nakakaloka from 58.5kgs tumatagingting na 60.5kgs nako, sa 4weeks 2kgs agad na gain ko, ang bp ko 97/56 mababa parin, pero sabi ng doctor kung yun daw talaga ang normal bp ko as long as wala akong nararamdamang kakaiba or hindi maganda ok lang daw basta tuloy parin ang vitamins. Tinanong rin namin yung gender pero di nya makita kasi nasa gitna ng mga legs nya yung pusod, pero may possibility daw na baby girl.

zwischenablage011
nagstart ng maging parang wet suite lahat ng shirt and blouses ko, bodyfit fashion na ito!!!

Sept 29 (anak is 6mos)

Bonggang bonggang 64.3kgs nako ngayon, dapat ba akong matakot. Nakakanerbyos parang naiimagine ko na kung gano ako lolobo sa mga susunod na buwan. OB check up walang masyadong special na ginawa although laging exciting ang every visit. Importante kasing malaman namin na ok at healthy ang bata. Super chika lang sa OB, walang ultrasound at super finger lang para ma check kung may infections or hindi tama sa cervix, so far awa ng diyos maayos naman ang lahat. Nabanggit rin ng doctor na next month another major check up, kasi this time ioobserve na ang heartbeat via CTG or Cardiotokographie for 30mins. May ikakabit na mga wires sa tyan ko para mamonitor ang heartbeat rate, after nun ultrasound rin. Nakipag appointment rin nga pala kami sa isa pang OB sa labas na nag cocondunct ng 3D ultrasound, di kasi inoofer ang ganun service sa OB ko, gusto rin kasi namin maexperience at the same time souvenir narin. Same day rin ang schedule magkaiba nga lang ng oras.

zwischenablage01

Rewind

Oktubre 24, 2008 bandang 8:10 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 4 mga puna

Tulad ng naipangako, ang blog nato ay magiging temporarily buntis blog. Kaya rewind ang title gusto lang ipost ang umpisa at kung pano lumaki ang tyan ko except yung part na kung pano namin ginawa, balato nyo na sakin yon =P

April 13 ang huling dalaw ng “ate” ko, sa mga babaeng me matris na tulad ko at sa mga nagpapanggap na may matris malamang kilala nyo si “ate”. Dumating ang May 2 days after ng bday ni A, napansin ko na parang dipa nagpaparamdam si ate. Agad akong kinabahan, buntis kaya ako?Gustong gusto ko na magtest pero dahil sa traumatic experience ko last year sa pag tetest, ayoko ng makakita ng malaking negative (-) sign. Kaya sinabi ko sa sarili ko hindi muna masyado pang maaga. Na icelebrate namin ang bday ni A ng maayos, pero diko parin nababanggit sa kanya. Nagkataon naman na kailangan nyang umalis for business trip sa Zaragosa, ibig sabihin 3 days kong masosolo ang bahay. Di parin ako nakatiiis kaya nagtest ako magisa. First test ko May 18, malinaw na malinaw ang negative line pero may nagmark ng konting konti ang positive line, kinabahan ako dko alam kung positive bayun or nagiimagine lang ako na may linya ang postive. May 20 nagtest ako ulit at 2 bonggang bonggang linya ang umapir sa test. Ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko, diko maipaliwanag para akong nanalo sa lotto. Agad akong nagsend ng sms kay A na nasa presentation ng mga panahong iyon. Inabot ng 1 1/2 oras ang reply ng lolo nyo, akala ko pa nga na badtrip sya kasi mag isa akong nagtest. Hanggang nagreply si A, at ang sabi nya para daw syang aatikihin sa puso, at parang tumaas daw ang BP nya…cute noh =).

Pagdating nya from the trip ay agad kaming nagpa sked sa OB for confirmation. June 3 kami nakakuha ng appointment, agad akong inultrasound ng transvi ulit at nakita nga ang isang mala bulateng tamagochi na nasa matres ko.


grabe at sa itsurang yan sabi ni doc may heartbeat na daw, how amazing. He prescribed vitamins like folic acid at iron supplements, estimated 8week old sya dyan. At dyan nagstart ang excitement naming magjowa…ang aming tamagochi

Usapang siryus

Oktubre 21, 2008 bandang 7:49 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 3 mga puna

Marahil nabanggit ko na at nabasa narin ng ilan ang aking kwento tungkol sa aking experience as a PCOS patient. Sa mga hindi pa, gusto ko lang i share ang isa sa mga pinaka malaking trials ng buhay ko at para narin maiparating na ang PCOS ay isang sakit na hindi dapat ipagwalang bahala at kahit sinong babae pwedeng magkaroon nito at sa tulong sa tamang treatment maari itong magamot at mawala.

14 years old ako ng unang dumating ang aking bisita =P, sa mga tulad kong girlaloo alam nyo na ang ibig kong sabihin. Noong panahong yon, never kong naisip na ako ay kakaiba sa ibang kong friends na dalaga narin tulad ko. Bihira akong magka dysmenorrhea, di rin ganun ka lakas ang aking period para umabsent or mag half day sa school tulad ng iba. Hanggang dumating sa point na naging irregular ang dating ng aking dalaw. Never akong nagpa konsulta sa doctor, sa pag aakalang normal lang ang lahat. Wala rin naman akong nararamdamang kakaiba, at di rin ako natatakot na hindi datnan ng 2 magkasunod na buwan dahil nga normal lang sa akin at ako ay irregular.

Ang sabi ng mga kumare ng nanay ko baka daw mahirapan akong magka anak. Pero diko inintindi yon, sa murang edad wala pa sa aking interest ang mga ganung bagay. Kapansin pansin din ang madaliang pag babago ng aking timbang. Pero dahil bata pa nga ako non, inisip naming lahat ay normal lang.

When i turned 26, dun medyo na call ang attention ko. Unti unti akong lumobo, i think for almost 3 years akong nakipag laban sa weight problem. Sa awa nman ng dyos taong 2006 pumayat at naging normal ang lahat except for my cycle.

That same year i got married and moved here. After a year nagdecide kami na magkaroon na ng family. Nang bumalik kami dito after ng bakasyon namin sa pinas, bitbit namin ang planong gumawa ng pamilya, kaya naman nagpa appointment kami agad sa OB para sa check up, prepartion kung baga. Dito sa DE halos isang buwan bago kapa maka kuha ng schedule lalo na kung magaling yung doctor. After a month, i missed my period. Nagworry ako for the first time. Kung nung bata pako ako, normal lang na hindi ako datnan dahil nga irregular ako, nung mga time nayun nakaramdam ako ng magkahalong takot at excitement. Eksaktong 1 buwan akong delayed ng magdecide kaming mag test, negative ang resulta. October 2006 ng una kaming mag test.December naman kami naka kuha ng appt for OB. Naisip kong ulitin ang test pag dating ng November, umaasa akong magkaroon ng magandang resulta, pero negative parin. Nawala ang excitement at pure na takot na lang ang natira sa puso at isip ko.

December 8,2006 ng mag punta kami sa doctor. For the first time nakita ko ang itsura ng OB clinic, ang silya kung saan umuupo para kunan ng pap smear na sa buong buhay dalaga ko never kong ginawa. Nagstart ang check up sa interview. Sinabi namin na ako nga ay 2mos delayed. Nang marinig ng doctor ay agad nyang isinagest na i transvaginal ultrasound ako. Walang nakitang fetus or egg sa uterus ko. Maayos ang uterus maliban sa mga cysts na naipon na parang pearl na necklace sa parehong ovaries. Agad nag conclude ang doctor, sa itsura ng ovaries at uterus ko maari raw na ako ay merong Polycystic Ovarian Syndrome or PCOS at hormone imbalance. Gusto nyang makasiguro kaya humingi sya ng bloodtest. Gusto nyang makasiguro at makita kung ganon ka kalaki ang gap ng hormones ko, at kung meron din akong thyroid problem. Pinabalik nya kami after 2weeks.

After 2 weeks, pinakita nya ang resulta ng aking mga blood test. Sa awa ng dyos wala akong problem sa thyroid or hyper thyroidsm pero nakita ang malaking imbalance ng mga hormones ko at ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi dumadating ang period ko every month. Ang explanation ng doctor, ang ovaries ay nag po produce ng cysts na nagiging egg cell once na magmature ito. Pero kung may imbalance sa hormones hindi nagmamature ang egg cell at nanatiling cyst at kapag maraming cysts na ang ovaries dito pumapasok ang Polycystic Ovarian Sydrome or PCOS. At based nga sa blood test meron akong PCOS.
——————–
Ano ba ang Polycystic Ovarian Sydrome?
Ang PCOS ay isang hormone disorder among women of reproductive age. Sabi ng mga researches approximately 1 out of 10 women of all races ang affected ng abnormality na ito.

Symptoms?
Ang ilan lang sa mga kalimitang symptoms ng PCOS:

Irregular cycle – irregular ovulation and menstruation

weight problems – karamihan ng mga overweight irregular ang cycle, , pero pwede rin magka pcos ang mga slim na babae

excessive amount or effects of androgenic or masculinizing hormones – excessive hair sa face,chest,abdomen, arms and legs. Yung ibang case nakakaranas ng pagka nipis ng hair sa ulo dahil sa mas maraming males hormones.

Effects ng PCOS:

1. Dahil madali kang madali kang mag loose at mag gain ng weight, mahirap sa isang babae na may pcos ang magkaroon ng ideal weight.
2. Dahil irregular ang cycle magiging mahirap ang magbuntis, at prone din sa miscarriage.
3. Insulin resistance, possible of having Diabetes type 2
4. High blood pressure etc.,

Diagnosis and Tests

Hindi lahat ng PCOS patients ay polycystic ang ovaries at hindi rin lahat ng polycystic ang ovaries ay may pcos. By doing bloodtest,ultrasound and pelvic examination mache check kung may pcos or wala ang isang patient.

Treatment

Ang treatment ay dipende sa needs ng patient
for diabetes- lowering insulin levels ang pweding gawin
infertility- restoration, by doing operation or fertility medicines
skin disorder and hirsutism treatment
restoration of regular menstruation
————————-

Sa lahat ng mga nabanggit ang isang bagay lang ang nakapag palumo sakin ng malaman kong ako may ganitong karamdaman..ang infertility. One year of our marriage nagdecide na kaming buoin ang pamilya sa pamamagitan ng isang anak. Hindi ko ma explain ang hirap ng kalooban ko nung time nayun. Sa kabila ng malaking trial na ito, laking pasasalamat ko parin dahil sa suportang pinaramdam sakin ng aking mahal na asawa. Sa mga nabanggit na treatments isa lang ang inofer ng OB ko ang “Laparoscopy Ovarian Drilling” or Diathermy. Ito ay isang uri ng operation kung saan idestroy ang part of the ovaries na meron cysts to trigger ovulation.

Feb 20 2008,11am nang mag undergo ako ng Diathermy. General anaesthesia ang operation lasted about 45 mins pero i stayed sa hospital mga 2 1/2 hours kasi mga after 30mins pako nagising pagkatapos ng operation. Gusto ko pa nga sana matulog, kaya lang yung nurse ginigising nako. In fairness may libreng hot tea at biskwit pampagising siguro. Shempre si A nasa tabi ko na agad, sinabi nya sakin na naglakad daw ako from operating room papunta sa recovery kasama ng mga nurse pero wala akong maalala. Siguro ganun yung feeling ng na Ativan. Hindi naman ganun ka sakit yung operation. I mean, oo shempre may pain lalo na that same day. Nakahiga lang ako pero after 6hours nakapag lakad lakad nako sa bahay di nako nakaratay sa kama.Yung mga time lang na pag natatawa ka,or uubo shempre na pupuwersa yung abdomen pero aside from that kaya naman ang sakit. After 3days ok na. Sabi nga nila bandaid operation daw yun.

After 1week bumalik para icheck at tanggalin yung tahi,then we were ask to go back after 2weeks para maultrasound ako at macheck ang itsura ng ovaries ko. So after 2weeks nga bumalik at nacheck yung ovaries ko. Sabi ng doctor normal na daw, wala nayung mga cysts. It will take 3mos bago maregulate ang cycle ko. True enough naman, after a month of operation dumating ang period ko at in fairness exact na sa bilang 30day cycle. March and April ito siguro ang masasabi kong pinaka normal na cycle sa buong buhay ko. Imagine sa pagiging irregular ng period ko, nun lang ako nakaranas ng normal at eksakto sa bilang kung dumating ang bisita. At pag dating nga ng May 13 dina na nagparamdam ang ate, dun na namin nalaman na ako pala ay magiging nanay na.

Hay ngayon its my 6th month, at hanggang sa mga oras na ito di parin ako maka paniwala na ako ay buntis na kahit pa mukha nakong naka lunok ng pakwan =P. Iba pala talaga ang feeling, sabi ko nun ka dramahan lang lahat. Ang pagbubuntis ay normal lang sa isang babae pero di pala, ang pagbubuntis ay isang yugto sa buhay ng isang babae na di kayang palitan ng career or ng kung ano mang material things….ang drama ko na pero yun ang feeling ko ngayon. At hindi ako magsasawang magpasalamat sa dyos at mga kaibigan,mga kamag anak na tumulong,sumoporta at nagdasal para isang napaka gandang biyaya na meron ako ngayon, yan ang aking boarder =P

Lesson: may pag asa ang PCOS, tamang treatment lang. Maghanap lagi ng second opinion.

First “buntis post”

Oktubre 9, 2008 bandang 3:22 hapon | Ipinaskil sa buntis posts | 3 mga puna

Nakaka awa na tong blog nato, bibihira ko ng mabisita. Bising busy kasi eh. Minsan naiisip ko, bakit nga ba ako nagbablog?naalala ko para nga pala ito sa mga friends ko sa pinas to keep them updated. Napaisip tuloy ako bigla ng maka chat ko yung isa sa mga friends ko, bakit daw yung blog ko hindi updated, di man lang nila alam ang development ng aking bagets. Hmmm tutal yan naman ang latest ngayon sa buhay ko dito sa DE eh bakit diko nalang gawin munang “Buntis Blog” ang blog na ito. Kaya for a start binago ko ang theme para mas maaliwalas. Sa mga susunod na entries, it will be all about my pregnancy development, preparatons and my experience

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.