lipatan update

Mayo 12, 2008 bandang 6:57 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Nabaklas na namin yung ibang wallpaper sa old livingroom, ready narin pinturahan ang old bedroom pagpapalitiin kasi namin sya. Hay ito ang mahirap sa DE wala kang katulong kapag may renovation or repairs. Tinulungan lang kami ng mga inlaws. Iba parin talaga sa pinas, kahit ilang “Kanto” boys ang kailangan mo magsabi ka lang, coke at pan de coco lang katalo na. Sa mahal ng repairs and contruction services dito manghihinayang ka, kaya naman ang karamihan ng tao “do it yourself” ang drama. Meron din namang gumagawa parang side line pero since bawal dito yan, hindi rin magandang makipagsapalaran pag nahuli kulong pa wag nalang.
yan ang itsura ng aming magiging living room(left) bedroom(right), the left room will be all white.

Advertisements

ang lihim ng blusang itim

Mayo 8, 2008 bandang 11:29 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 2 mga puna

I weighed myself today, at ito ang bumulaga sakin 58KGS na tumataginting, gusto kong maiyak at maloka ng bonggang bongga. Hindi ako OA ,medyo matindi lang ang pinag daanan kong hirap sa pag papapayat. Everytime ikukuwento ko ang kwento about my weight challenge naloloka ang lahat. Eversince bata ako medyo may kabigatan na talaga ako, masarap kasing magluto si nanay. My weight when i was growing up was like a yoyo hanggang sa akoy mag dalaga. When i entered high school, pumayat din naman kasi nag officer ako sa CAT so malaking tulong yun, until college na maintain ko ang slim figure. When i started working medyo hindi pa nagpaparamdam si dabing until it was 2002 when i entered a new company na parang galit sa pagkain. Kasi konting pa meeting lang may chibug lagi. Dun na nag umpisa, kahit anong pilit kong pumayat nag gym, nag badminton, nag jogging karir talaga ang sports, nag diet, dumating ako sa point na amoy dahon nayung hininga ko. I thought of saving money for lipo kahit alam ko na aabutin ako ng pag puti ng buhoksa pag ipon ng pera dahil sobrang mahal. Until it was mid 2006, ng matagpuan ko ang blusang itim na tumulong para pumayat. Sa tulong narin ng mga friends kong living testimonies ng produkto na kumbinsi ako gumamit ng magic. Kaya isang araw fly ako sa Ongpin para maka bili ng blusang itim, after 2mos nakita ko ang improvement until kinarir ko na sya, ang sabi sa etiketa gamitin hanggang 3buwan lang max at pagkatapos stop na. I followed religously at walah!!! pumayat ako as in. I was able to maintain my weight for 2years in fairness. Muntik ng tumabling si A nung nakita nya ako sa airport last Oct2006, sakto naman kasi wedding ko ng Dec so bongga talga ang figure.  From 65kgs i went to 47kgs oh diba malnourished na malnourished ang dating. I was so happy and confident. Last year nung magbakasyon kami sa pinas Sept 07 hindi pa ako masyado nagdagdagan ng timbang matapos ang walang humpay na lafang here and there. After nga ng mga chorva na nangyari this year 2008 sakin eto ang kinalabasan, nag uumpisa na naman ang build up, build up ng mga double chins ang stages ng tyan ko. Ayoko ng gumamit ng magic since were trying to make lilaybulilit pero kung babalik ako sa dati parang mas gugustuhin kong gumamit ulit ng blusang itim ulit. Please see pic below, sa pagpapa tunay..pansinin ang huling litrato, bumibilog =(

123_page_0

Renovation on going

Mayo 4, 2008 bandang 10:22 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 1 Puna

After the lipatan yesterday, busy parin kami today. We went to the empty flat to start renovating. Actually di naman ganun ka laki yung need ng renovation. Iibahin lang kasi namin yung mga rooms, pagpapalitin yung living room at bedroom. First nagbaklas na kami ng mga wallpapers, sayang kaka palit lang ni sil non last october pero hindi pasado sa panlasa eh =P, then yung supposed to be living room needs repainting color blue kasi sya ngayon na may mga clouds pang bedroom talaga. Inlaws werent able to help kasi galing din sila kila sil to help them sa pag a unload pero tutulungan din daw nila kami pag settle na sa kabila. Shempre si A kailangan dalhin muna ako sa icecream parlor para makapag doping kasi sobrang tamad kami pareho at wala sa mood magtrabaho, after ng “spaghetti eis” solve na revived na ulit.

lipat bahay update

Mayo 3, 2008 bandang 9:15 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | Mag-iwan ng puna

Sil moved out last saturday, it was fast than expected =P. Pero sabi ko sarili ko, definitely yung samin it will be faster and more organize…okray. We started at around 2pm, first stop yung mga gamit muna ng bfriend nya to his parents place then to the flat to load sil stuff, final destination to bfriends flat. Bfriends place was not that big also pero cute, kaya naman crowded din, pero im sure after few days of fixing it magmumukha rin yung bahay. Hay shempre ang muskel pains ko na naman.

bz bees

Abril 28, 2008 bandang 7:40 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | Mag-iwan ng puna

ang sakit ng katawan ko esp my legs, after helping sil to bring her things from attic to garage. i lost count already how many times i was up and down. anyway, shes moving out this weekend, after nun kami naman ang papalit so hindi pa tapos ang penitensya, were just starting. ngayon im still a bit down, but im trying to amuse myself. i will go to the city and look for a gift for A, lapit na ang bday nya wla parin ang akong gift. i thought of buying him office bag, sira na kasi yung bag nya. i chatted with my friend  yesterday and was informed of a bad news. yung mom nung isang officemate namin before died, heart attack. di parin maka labas ng hospital kasi 150k yung bill iyak ng iyak, tapos a week before that incident yung ex bf na first bf nya got married….grabe, pero sana maisip nya na nlang na hindi sila meant, hay lord, i know lahat ng ito eh may reason kung bakit nangyayari…..kung ano, diko rin alam, ikaw lang nakaka alam. basta sana lahat ng trials na dumating sa buhay ko at buhay namin wag mo kong papabayaan….thanks!

final na ang lipatan

Abril 8, 2008 bandang 9:05 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | Mag-iwan ng puna

Pagkatapos ng mahabang diskusyon at baliktaktakan finally nakapag decide na ang congress =P, we’re moving out. Sa umpisa A was totally againts it dahil nga maliit yung place ng sis nya pero compared naman sa mase save namin nag agree narin sya. Ganun yata talaga sa mag asawang nag uumpisa, we need to find ways to save para naman sa future. Sa ngayon di pa namin kayang bumili ng sariling bahay kaya nang mabakante yung flat ni sil we decided na kami naman ang papalit. Atleast wala ng upa dahil sa kanila naman yun, so extra expenses nalang. Ang mahal ng upa dito sa current place namin, so naisip ko sayang din yon.

Medyo mixed emotions sakin, kasi shempre though super loving naman ang mga inlaws ko iba parin yung malayo kayo sa isat isa or magkasama sa iisang bubong kahit pa nakabukod kami. Im just praying na sana wala namang maging issues. Kung magkaroon man sana minimal lang. Sa ngayon A is busi bisihan sa pag iisip kung pano pagkakasyahin ang mga kagamitan namin sa maliit na space. Hay sana its the right decision.

Friends (part one)

Pebrero 13, 2008 bandang 9:58 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | Mag-iwan ng puna

All of us have different group of friends. Like me, i have childhood friends,grade school friends,high school friends, college friends and work friends etc. With work friends i have different group of friends from different companies i have worked with. I decided to make a tribute post for all of my friends from the different parts of my life. To start with, this post is for my former work colleagues who Ive shared a lot of good, happy and sad memories with.

Ronald_3

Ronald we have committed to our promise “Through thickness and in thinness”,till death do us part. You know what i mean =P, All i need is to think of the times when were together sobrang sumasaya nako. Isa ka sa nga taong bumibili ng mga jokes ko, and I feel like i can be superwoman pag kasama kita. Kaya naman marinig ko lang ang halakhak mo feeling ko nothing is impossble. Salamat sa friendship beh, isa ka sa pinaka mabuting nangyari sakin sa fedex. I will always be your friend whether you like or not.
Mitch_3

Mitch,mama thank you very much for the friendship. Ang dami narin nating pinagdaanan esp nung KL days when we both discovered the things we have in common. I love you so much, i may not be with you physically but i will always be here to listen and cry with you whenever you need me. Stay pretty and wonderful, mama dapat maintain ang status wag papa daig sa intriga. You will always be the greta of my life…mwah!!!

S4020167

Beth, I’m so glad na kahit malayo tayo sa isat isa we still manage to keep in touch. Thank you for trusting me everytime na aning ka at may icoconsult ka saking mga decisions =P, though lagi kong sinasabi na kahit 24X7 tayong magchat ikaw parin ang magdidisisyon. I also want to thank you for being there, always listening to me esp pag badtrip ako or simply malungkot ako. Kakamiss yung araw ng okrayan, walang humpay na tawanan natin with the gang. Beh kahit malayo na tayo log kalang andyan ako agad. LOve you and god bless!!!

Mads_1

Madsy, ang aking super friend na “brown eyes” =P, marse thank you much. I learned a lot from you esp sa “faith” part. Your being optimistic helped me a lot. Nabawasan ang pagiging worrier ko and i became more a warrior. Thank you for your prayers. Im so happy that finally youve found someone who appreciates you the way we do. I love you marse!!!!

Baguio_picturesmads_062

Jen, alam ko kahit madalang tayo magkasama we share this bond of friendship na tayo lang nakaka alam. We have this certain connection na we can relate kahit sa tinginan lang alam na. I want to thank you for that “special bond” that youve given. Im always praying for your happiness and success. I love you.

Onin_1

Onin, my uragon baby bro. I normally love keeping and taking care of little kids. At isa ka sa mga kapatid ko bukod pa sa mga anak anakan ko. Thank you so much, for being always prepared and ready kapag hinaharbat ka namin kung saan saan at kahit ikaw lang magisang boy minsan go ka parin. I soooo miss the inuman days and the fishers of course. I know that you are happy now, and im also happy for you. I hope maging ok lahat ng plano mo and i wish you all the best.

100_0147

Shang, of course iba naman ang level ng friendship natin. People can have so many different definitions ng friendship, pero it doesnt matter. We dont need to be really close para masabing magkaibigan tayo. Basta i consider you as one of my super friends. Thank you for being such a good company, basta basta. I love you shang…ps. wala tayong picture na magkasama, pero i love your kids,, hehehe kaibigan ba talga kita???god bless!!!

Nog_1

Nog, ikaw ang gatas sa kape ko kahit kulay kape ka =P. Whenever i need an opinion from the opposite side it always turns out na nasa side kita…sweet diba. Pero im so happy na we were able to continue that good relationship weve started kahit na inabot tayo ng bagyo, oh diba tested. Thank you for being a good friend and pasensyoso sa pagiging bratinela ko. I will always treasure our friendship forever..naks!!!

Baguio_pictures_065

Egg, our Baguio was the most memorable trip for me. Don tayo super naging close. Thank you so much for the friendship, lagi kong naalala yung mga FX and Taxi days natin kakamiss. Sayang lang hindi na tayo nakakapag usap. I hope one these days makapag usap tayo. I miss you and i love you egg!!! god bless!!!

Madam_1

Madam, i dont know if you can read this with such a busy schedule pero carry lang. You dont have an idea how sad and devastated i was when you left. I felt like i lost an arm and leg…exage ba? pero ganun talaga. You will always be my mentor, idol nga kita diba laging kong sinasabi yon. Thank you so much for everything. Ang dami kong natutunan sayo. Words are not enough to say thank you, pero i just want to let you know that im always here, and im always praying for you and Lea. Sana someday magkasama tayo ulit. I love you!!!!

This post is not finish, i will be posting more…..Guys thank you sooo much!!!!..yung mga naiyak daanin nyo nalang sa Squid balls along Ayala ave.!!!!gow!!!

leelaibulilay goes Indie

Enero 18, 2008 bandang 8:43 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | Mag-iwan ng puna

yup im moving out, this is my temp address http://www.akworld.de/lilaybulilay/ im still waiting for my perm add pagbabadya ito, sino ba naman ang hindi maeeganyo mag P3 wish ko lang they’ll approve me *crossed fingers*……SEE YOU THERE!!!!

My first time MEME

Enero 16, 2008 bandang 10:40 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

this is my ever first time MEME from Moderately confused Pinay, i actually tagged myself hehehehe

Eight things im grateful for:

1. That my Mudra and my Father in law are now in good health after their medical challenges last year 2007.

2. That i have a suuuper duuuper handsome Husbandry na nakahelmet para hindi mauntog =P , so loving and understanding.

3. That i have loving inlaws

4. A has work

5. A and me are healthy and happy kahit wala pang baby

6. That we have TV *babaw*, i get to watch my favorite germanovelas kahit diko naiintindihan talo talo na yan

7. That we have internet, i can surf, chat and blog to sawa

8. That God is always there..amen!!!

strawberries and friends

Mayo 20, 2007 bandang 8:33 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 2 mga puna

Dito sa DE hindi biro ang buhay naming mga nalayo sa pamilya at mga kaibigan. Kaya naman pag may pagkakataong makipag kaibigan sa kapwa pinoy ay sinusunggaban ko na talaga. I met Anne from my friend John. One time nung naka chat ko si John sabi nya may isang pinay din na tulad ko ang na hohomesick, one month palang si Anne dito non. Pagkatapos magka palitaan ng hi and hellos sa ym derecho na sa EB. Nagkataon namang may kamag anak sila 2hrs lang ang layo mula sa lugar ko kaya dumaan narin sila dito para makipag kita ng personal. Nakakatuwang experience, first time naming magkita pero nung nakita ko sya sa pinto ng bahay namin para syang kapatid or matagal na kaibigan na walang ngiming kong niyakap. Iba pala talaga pag nakakakita ka ng ka lahi mo, iba talaga ang pinoy. Ramdam na ramdam mo ang companionship. Isang bagong kaibigan na parang matagal na, tapos nagkita lang ulit. Pagkatapos naming magkwentuhan nagdecide kaming puntahan ang tambayan ng mga pinoy,san pa kungdi sa Asian market. Masuwerte ako at maraming asian market na malapit dito, at marami rin silang pinoy products. Di tulad sa iba karamihan Chinese, Viet, at Thai products. Shempre pa, panick buying agad ang lola ko hehheeh. Bumili ng walis tambo,chippy,nata de coco,pancit bihon,ufc ketchup at kung ano ano pa. Pagkatapos ay dumirecho kami sa isang greek resto para mag lunch. Malapit lang strawberry field dito sa amin, kaya naman tinapos namin ang araw sa pamimitas ng strawberries, shempre pa enjoy na enjoy ang mga lola pati narin ang mga lolo hehehhe. Madali akong makipag kaibigan, feeling ko lahat ng pinay dito kaibigan ko kahit hindi ko sila kilalala or vice versa. Iba pala pag nasa isang bansa kana, dama mo ang lungkot at pangungulila. Buti nalang may chat at may EB…sa uulitin Anne.

Naunang Pahina

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.