peechure peechure

Setyembre 4, 2008 bandang 8:19 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Alam ko expired na yung kwento ng bakasyon na to, pero anyway ikukwento ko parin =P. Ang sked ng bakasyon ay mula Aug 18-25. One week before naka kuha na kami ng apartment na tutuluyan namin doon. Fully furnished na, mahal kasi ang hotel at shempre para menos sa gastos gusto rin namin magluto luto if ever. Inabot ng more than 6hrs ang drive, umalis kami dito mga 930am na ,tapos puro expressway nalang kaya medyo di hirap si bossing. Shempre may stop over din kami for lunch. Dumating kami sa St. Peter Ording Bad kung saan ang aming apartment 430pm na. Pambihira talaga dito sa DE kung gusto mong mag beach kailangan mo pang bumayahe ng pagkalayo layo. First activity shempre sa seashore agad, sabi ko kailangan kong magpakilala sa beach ng north sea para di ako ma engkanto hehehe.


Ito ang beach ng North Sea, ibang iba sa beach ng pinas. Grayish ang paligid di tulad samin blue ang kapaligiran. Sabi ni A dahil di daw maaraw at may kalamigan ang lugar. Pero ewan ko, para sakin hindi pang summer escapade ang ambiance. Wala rin daw corals puro halaan ang ilalim kasi nga malamig ang parteng ito. Napaka lawak ng beach sand, sa normal na tide ng tubig umaabot na 1km ang lalakarin bago ka makarating sa mismong beach seashore at makasalamuha ang mga alon, kaya pag dating mo sa pampang gusto mo narin humilata sa pagod. Mahangin at malamig, kaya kahit summer naka jacket….kakaiba talaga. Sa pampang palang nagkalat na ang mga shells na walang laman, alimasag na pinagpyestahan na ng mga seagulls. So naisip ko siguro maraming halaan dito, sa cavite kasi naaalala ko pag nagswiswimming kami ng buong pamilya, yung tatay ko naghuhukay sa buhangin at naghahanap ng “paros”, ito ay isang uri ng halaan, kaya naisip ko ring maghanap ng halaan para maluto kinabukasan, masarap ang tinolang halaan noh hehehe.

Kilala ang north beach dahil sa lawak ng beach sand at kakaibang experience kapag low tide. So sobrang baba ng tubig umaabot ng ilang kilometro ang layo ng tubig mula sa pampang kaya sa tamang oras pwedeng pwede kang maglakad sa dagat na walang tubig at ito ang ginawa namin ni A sa second day ng aming bakasyon. Sabi nila di dapat gawin ng walang tour guide kasi hindi safe, dahil pwedeng bumalik ang tubig sa takdang oras kaya dapat laging naka bantay sa oras, pero since wala naman kaming balak iexplore ang buong north sea ok lang na kaming dalawa. Meron din kaming nakasabay na naglalakad sa low tide na dagat, at mga naghohorse backriding kaloka diba. Iba ang experience nato, para kang nasa disyerto diko ma imagine na kapag high tide ang buong paligid ay puno ng tubig, medyo umabot ng 4km ang layo ng nilakad namin mula sa seashore though mahaba pa ang oras, medyo inabot ako ng takot ng biglang sumama ang panahon, pano nalang kung biglang mag high tide, pero sabi ni A di naman daw basta basta bumabalik ang tubig, pero haller ayoko nga i challenge ang nature diba, at di rin ako marunong lumangoy eh di pag nagkataon malulunod ako ng bonggang bongga. Habang umuulan pinilit ko si bossing na bumalik sa pampang, at dahil di lang ako ang naglalakad meron din akong bed spacer sa tyan ko kaya mabagal na lakad lang pwede kong gawin. Sa awa naman ng dyos narating namin ang pampang at may malapit na restaurant at dun kami nag patila ng ulan.

Nung bata pako mahilig akong magpalipad ng saranggola, pero dahil medyo hirap ako nakukuntento nalang ako sa “boca Boca”, ito ay isang simple ng saranggola na walang kahoy or tingting at gawa sa papel. Kaya isa sa naisipan naming gawin sa north sea eh magpalipad ng “boca boca”. Medyo high tech ang saranggola at boca boca dito sa DE bukod sa may rings na kung saan pinaglalagyan ng pisi, di tulad nung panahon ko na sa lata lang ng gatas, eh malaki at stable ang mga saranggola nila pang heavy duty este pang strong wind talaga.

At dahil sa curious ako kung anong ginagawa at makikita sa mud trekking, tinry din namin ito. Bukod sa konting history at kwento ng north sea wala namang espesyal sa tour activity na ito. Bakit?eh kasi ang main event eh maglalakad ka sa putik. Eh sus sanay nako maglakad sa putik hehehe. Nakakatuwang isipin na dito sa DE curious na curious sila kung ano ano ang makikita sa putikan tulad ng maliliit na kuhol at halaan na kinakain ng mga seagulls. Kung sino man ang bumabasa ng blog nato na kababayan ko malalamang makaka relate sa experience ng lumakad sa low tide ng laguna de bay. Meron kasi kaming kamag anak na nakatira sa tabi ng bay. Kaya pag low tide nangunguha kami ng tulya. Ganun ganung ang experience. Habang busing busy ang lahat sa pakikinig habang naghuhukay ang tour guide sa putikan para kumuha ng bulate,kuhol at halaan ako naman eh nasa likod busing busy rin sa pag haharvest ng halaan, gusto ko talagang subukan na lutuin ang halaan ng north sea. Matapos ang tour, umuwi akong tuwang tuwa dahil meron akong nasamsam na halaan. Pagdating sa bahay binabad ko agad sa tubig para pasukahin ang mga cute na halaan para mawala ang buhangin at matapos ang 24hrs ready na silang kainin hehehe. Pero isa akong malaking bigo, ang halaan ng DE ay walang sinabi sa halaan ng pinas. Kaya pala hindi kilala ang halaan dito sa kabila ng sobrang dami ng halaan eh di sila nagbebenta or wala man lang nagluluto sa mga restaurant. Bakit kanyo?puro buhangin, kahit pinasuka ko na sila yung mismong laman ng halaan eh puro parin buhangin kaya di rin makakain, sobrang lungkot kasi namiss ko yung halaan sa pinas. Marami rin alimasag pero di rin sila nagluluto, bakit kaya???iba iba talaga ang tao sa buong mundo, si A cute na cute sa alimasag every time na sasabihin ko na masarap ang alimasag, kawawang alimasag daw haaay, kung alam lang nya ang sarap nyan lalo pag may sawsawang suka at bawang.

Shempre nagbigay respeto rin kami sa mga hayop na andon, kaya bumisita rin kami sa zoo ng St Peter Ording, kung saan meron silang sari saring kahayupan. Ang pinaka favorite ko eh yung seal feeding show. Ang cucute talaga nila mukha talaga silang aso hehehe.

Napansin ko isa narin sa ugali ng mga taga DE pag bakasyon eh bisitahin ang malalapit na city sa paligid ng bakasyunan kaya ito ang aming ginawa. Ito ang Friedrichstadt, ang tinaguriang little Amsterdam. Dahil sa napapalibutan ito ng tubig at mga water channels na ginagamit as means of transportation.

Ito naman ang Husum, isa sa mga ilan lang na maliliit na ports sa north sea. Mula dito pwede kang sumakay ng barko papunta sa mga islands na pag aari ng DE. Dito rin ako nagpagupit ng buhok, meron silang “all 11eu”. Sa walang humpay na pilitan pumayag din si bossing na magpashort hair ako =P

Tamang tama rin ang dalaw namin sa St Peter Ording Beach, dahil sa annual Kitesurf Worldcup 2008, interesting ang sport nato pati narin ang gigantic na saranggolang ginagamit astig hehehe.

At nung last day namin, naisipan naming puntahan ang isa sa mga islands ng DE ang “Sylt”. Ito ay maituturing na isa sa mga lugar na pinupuntahan ng mga celebrities at kilalang tao kung gusto nilang magtago sa mundo. Very private ang villages, cute at maliliit ang vacation houses.Puno ng mga branded at kilalang Marks ang shop nila pang sosy lang talaga. At ang mga bubong mukhang gawa sa kugon tulad sa pinas, hindi lang ako sure kung kugon din yun or ibang halaman ang gingagamit. Sabi ng tour guide umaabot daw sa 8k euro pero sqm ang presyo ng lupa dun, sus eh pano kung lumubog ang isla, sayang naman diba sobrang mahal.

Walang akong peechure ng food kasi di ako masyadong na impress. Famous ang hipon ng north sea pero sa tingin ko mukha lang naman syang “hibi” ng pinas. Maliit pero malasa. Mataas ang expectation ko sa lugar nato pag dating sa seafood, samin kasi pag nasa dagat “one to sawa” ang seafoods pero sa naexperience ko hindi, nung bumili kami ng fresh Dorade fish mas mahal pa kesa dito sa lugar namin, tapos wala namang masyadong variations. Wala rin silang fish market na parang dampa kung saan pwede kang mamalengke ng seafoods haaay. Marami lang fish with bread na pwede mo rin makain kahit di ka pumunta ng north sea. Mahal din ang tahong at iba pang seafood na accdg to A di naman talaga nakukuha sa north sea. Ngayon na curious ako sa Hamburg dahil nakita ko sa tv ang hanay hanay na fresh fish stand. Sana makarating ako ng Hamburg para naman ma justify ko yung seafood ng DE. Yan ang aming one week bakasyon, huling hirit sa tag init kahit medyo late na nung marating namin ang north sea di na pang summer ang weather dahil maulan at medyo malamig narin, enjoy narin!!!!

Advertisements

Bakasyon

Agosto 17, 2008 bandang 6:06 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 4 mga puna

Dahil usong uso ang bakasyon, shempre si Bossing gusto rin magbakasyon. Bukas hanggang tuesday wala kami. Dito ang punta namin. Kaya dyan ang punta namin, ang goal kasi nya eh mabisita ko naman ang mga lugar na ipinagmamalaki ng DE. Dahil ako ay isang islandgirl (pero di ako marunong lumangayon ssssh) sanay ako na ang bakasyon dagat, kaya napili nya ang lugar na yan. Isang linggo akong mawawala kahit na bumubukol na ang bulilit namin, yagyag parin =P. See you next week!!!!

Nakakasawa rin pala

Agosto 14, 2008 bandang 7:16 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Nung bagong dating ako dito, winter yun. Kaya naman nung mag spring namangha talaga ako ng una akong makakita ng puno ng mansanas. First time ko kasing makakita ng totoong puno ng mansanas dahil wala naman samin nun. Lalo pa akong na excite ng magumpisa ng mamunga na sa umpisa eh para lang silang bayabas. Araw araw lagi ko silang inaamoy, kasi diba ang bango bango ng mansanas, pero pag maliit pa wala naman silang amoy?ewan ko ba kung ako lang ang ganito, banung bano talaga ako sa manasanas. Naalala ko kasi nung maliit pa ko,este nung bata pako kasi hanggang ngayon maliit parin ako =P, napapanood ko sa Sesame Street yung mga bata na kumakain ng mapula at malutong na mansanas. Samin kasi nung mga panahong yun, tuwing pasko lang kami nakakabili ng mansanas bukod sa tuwing pasko lang marami mas mura din ang presyo. Ngayon nandito nako sa DE di man kasing pula at kasing lalaki ng mansanas tulad sa TV ang mansanas sa garden, mansanas parin sya. Punong puno at hitik na hitik sa bunga ang dalawang punong ito. 2 Klase ng mansanas meron dito isang Golden Delicous ito eh green apple na green lang sya forever, ang isang klase diko alam ang tawag di rin alam ni mil. Pero kung titingnan ito eh parang maliit na version ng Fuji apple sa amin, magkahalong red at yellow.
Panahon ngayon ng mansanas dito sa DE kaya naman lahat di magkamayaw ang mansanas sa pagtubo. Sa sobrang dami di na namin alam kung ano ang gagawin. Di naman kami maka pamigay sa kapitbahay kasi halos lahat din naman sila dito may puno ng mansanas. Nakagawa nako ng apple cake,apple juice,apple pie, at gabi gabi apples din ang kinakain naming panghimagas.Healthy naman sya kaya lang sa dami nagsasawa nako. Diko na sya maapreciate tulad ng una kong dating dito sa DE, ngayon ko na realize na ang isang bagay pala kapag marami di mo narin naapreciate mas masarap parin yung minsan kulang atleast medyo natatakaw ka. Yung ibang apples binibigay namin sa may mga alagang kabayo esp yung mga nakain na ng mga ibon para naman di lang sa compost mapunta. Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin dati na may puno ng Alatires pinipilit pa nya kaming ng mga kalaro ko yung puno para lang pitasin yung bunga kasi nagkakalat lang sa lupa. Hay parang gusto ko tuloy ng Aratiles =(

alam ko

Agosto 12, 2008 bandang 7:43 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Alam ko matagal tagal ko ring napabayaan ang blog na ito. Tama si Kengkay busing busy talaga ako. Diko na nga alam ang gagawin ko, ang hirap, ang hirap hirap kumilos pag ang isip at katawan mo eh hindi sang ayon. Ganun talaga siguro pag nagdadalang bata =). Well ano ba ang mga pinagkaka abalahan ko lately, wala namang espesyal. Buong oras lang akong nasa bahay, at nasa kusina. Kain ng kain ng kung ano ano. Luto ng luto ng kung anong maisipan. Gustuhin ko mang lumabas, sa sama ng panahon lately kakatamad rin. Eto nga pala ang mga nagpagti tripan kong pagkain:


Tinola with partly hinog na papaya at spinach, medyo weird nga kasi yung papaya gusto ko medyo hinog na bago ko lutuin.


Shempre di nawawala ang Mangga at Bagoong sa mga buntis, symbolism yan hahahah, samahan narin ng Skyflakes.


Dilis,Kamatis at Suka, diko na sinama sa picture yung pang construction worker na kaning lamig.

Yan ang aking activities sa mga curious. Puro chibug, minsan sa gabi palang iniisip ko na kung anong kakainin ko kinabukasan. Alam ko na hindi magandang pangitain pero ano ba ang magagawa ng isang buntis na pinay na jologs sa dayuhang bansa *senti na homesick pa*

Adik

Hulyo 16, 2008 bandang 7:42 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 6 mga puna

tama ang basa nyo, pang adik nga ang title ng blog na to. sa sobrang pagka adik ko ang dami ko ng pending post haaaay. nagsimula ang pagkalulong ko ng mabasa ko ang post ni Toni, sya ang dahilan heheheh joke lang. nagbigay kasi sya ng link ng kung saan pwede kang manood ng mga local tv programs sa pinas kaya heto nadagdagan ang daily routines ko na dati rati pagkagising eh nagbabasa lang ako ng news sa internet ngayon na nanonood narin ako ng mga tv programs, minsan nalilimutan ko na ang oras pati ang mga gawaing bahay. waaaa kailangang ma break ang bad habit na ito or else masesesante ako ni bossing. anyways, sa mga gustong mag take ng risk eto ang link bwahahahah!!!!! hawa hawa na.
secondly, gusto ko rin ulit magpa late thank you na naman at i post ang pagtatagpo ng kengkoy ni kengkay at ng bossing ko. nangyari to 2 weeks ago na ata ang nakakalipas. sa tulong ng navi natunton namin ang in fairness di naman mahirap hanapin na lugar ni kengkay,kaya pwedeng ulit uliting puntahan. nakakatuwa yung dalawang little kengkays na nagaabang sa may pinto, may balloons pa sa may gate para siguradong di kami kumatok sa ibang bahay =). masaya at exciting sabadong yon, at masarap din ang spare ribs na hinanda parang pagkatapos nun spare ribs na ang pinaglilihihan ko hehehe. at shempre ang super friendly and at home na ambiance na pinamalas ng mag asawang kengkay at kengkoy. walang humpay ang excitement bago pa man ako matakam sa ihaw ihaw ay pinakahakot na ni kengkay ang mga pina mana nyang Wickeltisch or change table/cabinet, diko alam sa english pero ito yung table kung saan mo pwedeng palitan ng pampers si baby at shempre ang jontis get up na super cool at gustong gusto ko talaga, sinukat ko na lahat pag dating ko sa bahay. san kapa diba?libre ihaw ihaw na may free shopping pa, thank you kengs grabe walang paglagyan ang aming kasiyahan, sana gumanda lang ang panahon at uminit ng husto para naman kayo naman ang dumalaw dito samin at makapag papresko, ang lamig pa kasi =(. eto ang peechures ng mga biyaya..

late “Thank you”

Hunyo 27, 2008 bandang 9:44 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 10 mga puna

Dahil sa sobrang katam hindi ko na talaga regular na ma update ang blog na ito. Last week or last last week di ko na matandaan, meron akong narecv na package from 2 ladies naks. Isa galing kay Kengkay at sa kanyang little angels. Ang aga ng gift. i got “Babybook” from her. Tapos i got a book from another friend, Anne na taga Görlitz, actually hiram ko lang yung libro. Salamat ng marami sa 2 babaeng ito…mmmwah!!!!

Bagong bahay,bagong buhay

Hunyo 18, 2008 bandang 3:34 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 9 mga puna

Matapos ang ilang linggong tamad tamaran, naka ipon rin ako ng lakas para mag blog. Kahit anong pilit ko kasi talaga hindi ko magawang mag type. Parang may maibigat na bagay na ewan ko ba, pumipigil sakin at gusto nalang matulog at magpahinga.
Anyway ang blog na ito may 2 kwento. Ang una ay ang bagong/luma naming bahay. Bago kasi bagong lipat kami hehehe, luma kasi di naman bago yung bahay..gets? Naglipat kami nung May 31, kasagsagan ng ulan. Di umayon ang panahon kaya naman may iba sa aming gamit ang nabasa pero di naman ganun ka laki yung damage kaya medyo kalmado pa si bossing. Hindi ako nakapag participate kung bakit?mamaya ko na ikukwento. Habang ang mga lipat boys and girls ay busing busy sa paghahakot at pagbubuhat ako naman ay nakahiga sa isang sulok ng kwarto, putlang putla at walang lakas, bakit?mamaya na.
So eto ang mga naipon kung peechure ng garden. Ang paborito kong tambayan. Bukod sa pwede kang sumalisi tuwing kakalam ang sikmura dahil sa ibat ibat prutas na pwedeng pitasin. Meron ding swimming pool na pwedeng liguan basta ba tama ang init ng panahon dahil kung hindi mangangatal ka sa lamig, di bale na lang. Ang ibat ibang puno at bulaklak na nagpapakulay sa kapaligiran. May kalakihan ang garden na ito kaya naman tamang tama sa mga gustong mag sun bathing na laging ginagawa ng mga inlaws ko hahahahah..bukingin ba?, anyway enjoy!!!


oh wag nang pansinin ang madungis na paa hahahahah

Literally sa Bubong kami ng haus na ito nakatira. Parang 3rd floor, bukod don meron paring Attic.

At shempre ito ang aking laging inaani sa araw araw, maliliit pa kasi ang mga mansanas at peras kaya di pwedeng sekwesteren heheheh

Next na kwento, di lingid sa marami lalo nayung malalapit sakin na ako ay isang operada. Korek, isa akong produkto ng salamat po doctor. Dec 2007 ng malaman ko na ako pala ay may naipon na perlas sa aking matres. Korek again, perlas ito. Kaya lang di sya pwedeng gawin kwintas kainis. Anyway, ito yung mga time na nagdecide na kami na dalhin sa next level ang aming pagmamahalan sa isat isa ni bossing in short gusto na namin ng makulit sa bahay. Sawa na daw kasi sya sa kulit ko. Matapos ang masusing pagsusuri napag alaman na ang perlas na ito ang humahadlang para ako majontis. So Feb ng taong kasalukuyan ako ay nagpaopera, isasabay ko na sana ang noselift di lang pumayag yung financer ko hmp, self fish hahahah. Sa madalit salita naoperahan ako at na ani ang mga perlas, matapos ang 3buwan ng akoy maoperahan, 2 araw matapos ang bday ni bossing meron akong hindi magandang naramdaman, parang kakaiba, hindi maipaliwanag at ito ang resulta.

Hindi yan bulate, mukha palang bulate hahahah. Korek again and again may isang buhay sa loob ng tyan ko. In fairness successful ang operation, salamat doc. Lahat kami masaya sa bagong balitang ito, naway mag tuloy tuloy at walang maging problema. Kailangan ko ang inyong dasal at suporta…

ice ice candy

Mayo 18, 2008 bandang 5:10 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 15 mga puna

Matapos ang bday celebration medyo may hang over pako sa pagkaing pinoy. Summer na summer dito sa DE, bagamat may sariling way ang mga aleman para magpalamig..andyan ang ibat ibat klaseng ice creams at ice cafes, naisipan ko ring gumawa ng sariling ko pampalamig. Tuwing summer palaging bumbili si Bossing ng ice candy sa supermarket. Tulad sya ng ice pops na nabibili din sa supermarket sa pinas or sa suking tindahan na medyo may kamahalan. Ayokong makipag kompitensya sa ice candy nila dito, pero dahil na miss ko ang pinoy ice candy naisipan kong gumawa.

Dahil nakabili kami ng murang melon sa fleemarket nung nakaraang sabado, naisipan kung gamitin ang tirang melon para sa aking pinoy ice candy. Kung nagtataka kayo at bakit may plastic ng ice candy ako ito ay isa lang sa mga pina kisuyo ko sa isang kong pinay na friend nung umuwi sya samin. Wala kasing plastic ng ice candy dito, KJ hehehe. Anyway, habang tulog si bossing busing busy naman ako sa kusina sa kaka salin at buhol ng aking pinoy ice candy habang nagdadasal na sana magustuhan rin nya. Di kasi sya mahilig sa melon.
Ito ang aking finish product.

Matapos naming magsimba at mananghalian ito ang aming panghimagas, in fairness isa namang hit kay bossing, nagustuhan nya ang aking pinoy ice candy sabay hirit na sana daw maka hanap kami ng mangga para mas masarap…demanding heheheh, kung sabagay sya lang naman ang aking no. 1 fan.

Naalala ko tuloy nung bata pako, sa gilid ng bahay namin malapit sa pinto, may karatulang “Ice,Ice candy,Ice water 4 Sale” na gawa sa karton ng sigarilyo na ginamitang ng pentel pen. Tuwing summer si nanay gumagawa ng ice candy. Medyo malapit kasi sa basketball court ang aming bahay. Kaya naman tuwing pagkatapos mag basketball ng mga boys dadaan muna sa bahay para mag palamig. Shempre best seller ang ice candy ng nanay ko ibat ibang flavor may Buko, Avocado,Melon at ibang gawa sa Sunny Orange,Strawberry,Grapes meron din Milo minsan. Marami pang gimik ang pinoy pag summer andyan ang Halo Halo, Ice scrumble, Dirty ice cream, Shake, Palamig atbp….Magaling talaga ang pinoy, simple lang pero Rock.Happy Summer!!!!

pinoy bertday

Mayo 17, 2008 bandang 7:08 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 5 mga puna

Sa awa ng dyos nakaraos naman ng maayos ang bertday celebration ni A. 2 days before tinanong ko na sya kung anong handa ang gusto nya, binigyan ko sya ng pagpipilian: menu #1 Spaghetti,chicken bbq & cassava cake or menu # 2 pancit,lumpiang shanghai,cassava cake. Hindi mawawala ang noodles or pasta, kasi sa pinoy longlife daw yon. Wala kaming bisita kaming 2 lang talaga hahahah pero parang may party. Hindi kasi sya pwedeng mag birthday leave dahil sa dami ng deadlines nila ngayon. Kaya naisipan nalang namin ng bonggang dinner together. Nahirapan syang magdesisyon lahat kasi ng nabanggit eh pareho nyang paborito. Pero dahil sa madalas ang pancit dito sa bahay, mapa bihon, canton at isama mo narin ang lucky me pansit canton nag decide sya sa menu #1. Pero dahil sa labs ko nga nilutuan ko parin ng lumpia so pancit nalang ang na vote out. Mahilig din sya sa Cassava cake kaya naman pas gusto nyang mag bake ako non kesa sa traditional cake. Masuwerte ako kay A kasi hindi sya maselan sa pagkaing pinoy. Kahit anong ihain mo kakainin nya, kahit paksiw na isda at munggo go parin yan. Maaga akong nagising para mag linis ng bahay at pagkatapos ng pananghalian nag start nakong mag prepare para sa dinner for 2. Tumawag ang mga inlaws at isusurprise daw nila si A after dinner dadaan sila dito para ihatid ang mga gifts. Medyo maaga naka uwi A, 530palang nasa bahay na sya kaya medyo nangarag ako pero since sa bahay lang naman kami medyo na carry ko parin. Happy happy naman sya at contented sa kanyang handa, proud nyang pinicturan ang pagkain. Masaya rin sya sa nabili kong regalo, isang suspense fantasy na libro at bday card. Masayang masaya ako at ngayon makalipas ang mahabang panahong magkahiwalay, magkasama na naming sinicelebrate ang mga birthdays. Marami ang natira pero hindi ako nabahala, kasi binaon nya pa sa office kinabukasan…walang sawa hehehe.

ice cream and friends

Mayo 14, 2008 bandang 10:47 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 2 mga puna

Isa na namang napaka gandang experience, walang kapantay at hindi maexplain explain ang nararamdaman…..Nakipag EB ako kahapon hahahah, this time with my fellow blogger walang iba ang flawless na flawless na si Kengkay. Naalala ko tuloy nung first time akong makipag EB kay Anne. Bonggang bonga talaga, medyo na late pa nga ako kasi sinuwerte ako makasakay ako sa bus na tumirek. Mantakin mong meron din dito nyan, so kailangan pa naming antayin ang kapalit dahil hindi pwedeng bumaba basta bawal kasi dito yon. Di tulad sa atin gechlak mo lang yung pamasahe na binayad mo tapos transfer ka na sa iba. I was on my way to the meeting place, mega text text na kami kung anong get up namin, hahahh parang phone pals nung mga mid 90’s. Naalala ko pa nung mga panahong yon, crossline crossline….maririnig mo “babae babae anong number mo,number number, lalaki lalaki number” hahahhahahah, kaloka. Anyway, balik sa EB, ng marating ko ang meeting place ay agad kong hinanap ang babaeng naka green na may blue na bag…ang taray ng lola ko naka backless at in fairness kering keri kasi nga flawless, tama sya sa blog nya parehong kaming maganda medyo overweight lang ako ng konti hehehheheeheh buhatan nato ng bangko, bakit blog ko naman to ah =P. Andon din ang mga little kengkays na super cucute. Sobra akong aliw sa kanila, sana ako rin magkaroon… eto na naman ako. So start na chickahan at na discover pa na namin na we both worked sa isang group of companies. Kaloka talaga, small world. After ng chikahan we decided to go out of the bookstore to get some fresh air. We had ice cream narin…thanks sa libre hehehe. Hay i really had so much fun, ang sarap ng feeling ng may namimeet kang kabayan. Kengkay is like breath of fresh air to me, nakaka bawas ng homesickness. Sana maulit at marami pakong ma meet na nice people like Kengkay…thanks nga pala sa pic =)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.