turn of events

Pebrero 9, 2009 bandang 2:54 hapon | Ipinaskil sa buntis posts | 7 mga puna

warning:sa mga buntis na naghihintay nalang ng due date,hindi ito nararapat sa inyo.

Pasensya na sa newsblackout or should i say blog blackout. Sa mga oras na ito ay busing busy ang lola nyo sa aking bagong role. Pipilitin ko paring ma update ang blog na ito para naman malaman nyo parin kung pano ko nilalabanan ang puyat at pagod ng pagiging isang INAH =P, for the meantime eto muna ang buong kwento ng grand entrance ni Lilaybulilit.

Jan 11
4am – nagising ako para magbanyo,nung pabalik nako sa kwarto biglang parang may tumilamsik na tubig. Hindi gush gaya ng nabasa ko sa mga pregnancy books, parang lang akong naweewee ng konti. Dali dali akong bumalik sa banyo para i double check, at nakita ko nga na merong blood stain. Ginising ko si bossing para sabihin ang nangyari, inisip ko kasi baka waterbag nayun. Sabi nila amuyin(alam ko medyo yuck, pero yun talga ang nakalagay libro heheh) ang amniotic fluid daw amoy matamis, pero pag amoy pangkulot alam mo nakung ano yun. Unfortunately amoy parlor yung liquid so malinaw na hindi pa pumutok ang waterbag ko. So ang puzzling nalang eh yung stain of blood. Bumalik kami sa kama at kinuha namin pareho ang 2 pregnancy books na meron kami isang english at isang german shempre. Sabi sa book na binabasa ko it would take hours or days or weeks daw bago pa manganak after ng blood stain. Ang cause kasi ng blood stain ay possible dilation. After ng incident nakaramdam nako ng cramps, parang Dysmenorrhea lang pero patuloy parin ang blood stain ko.

10am- nakuha naman sa tulog yung pain, dedma narin yung blood stain pero habang tumatagal tumitindi yung sakit. dko maisip kong lalabas naba talga ang lilay bulilit or nananakot lang sya. nakapag chat pako sa mga friends ko at nakapag text parin ako sa pinas family ko.

12nn- tumigil ang pain, parang walang nangyari so feeling namin ni bossing practice lang.

4pm- nag start na naman ang hilab at this time sinubukan na naming orasan, dumalas sya ng dumalas every 5mins and lasted 60seconds each. super sakit na talga.

9pm- pumunta na kami sa hospital, sarado na ang hosp for visitors kaya nag door bell kami muna kami. pinagbuksan kami ng nurse at unang tinanong kung pumutok na ang waterbag, since hindi pa dumerecho kami sa parang waiting room na merong bed at CTG para iobserve yung frequency ng contraction and heartbeat ng baby. sabi ng midwife under observation ako for 30mins then she will check kung how far nakong dilated. So after 30mins bumalik yung midwife to check yung contractions ko which is very regular and strong, ok din ang baby. Chineck nya rin how far i was dilated pero unfortunately 0cm dilation parin ako.

11pm
nag suggest yung midwife na mag warm bath ako para ma lessen yung pain, kahit di ako fan ng bathtub go narin baka nga makatulong sa sobrang sakit.

12mn for an hour akong nasa bathtub bumalik ako sa bed, kinabit ulit yung CTG for monitoring. regular parin yung contraction, i asked the midwife kung false alarm lang ba sabi hindi daw. based sa CTG ko regular na ang contraction at possible na lalabas ang baby. I was thinking kasi na baka pauwiin rin lang kami after since dko pa naman talga due.

2am, Jan 12 – chineck uli ng midwife kung ilang cm na, my god 2cm palang ako at ang layo layo pa ng baby, meaning nasa taas parin sya and since intact parin ang waterbag ko di pa makapa ng midwife ang ulo nya.

3am -super lantang gulay nako, naawa na ang mga tao sakin, nagdecide ang midwife na temporarily ihinto muna ang contraction by taking a medicine para makatulog at makapag pahinga ako. accdg to her after 3hrs dapat bumalik ang contraction.in short tumigil ang hilab, nawala ang pain, nakatulog ako until 7am, nakapag breakfast at nakapag lakad lakad.

9am ang problema di parin bumabalik ang hilab, mukhang tuluyan na syang tumigil, kaya nagdecide ang doctor na pauwiin kami. Waaaah umuwi kami ni bossing ng luhaan. On our way home sabi ko daan kami sa asian market gusto kong kumaing ng lumpiang togue. So namili muna ako ng mga pinoy epektus bago kami umuwi. Pag dating namin sa bahay nagpahinga lang kami pareho at natulog ang kaawa awa kong kabiyak na sobrang puyat. Before dinner tumambay kami sa mga inlaws ko para magkwento kung anong nangyari. Lumakad naman ng maayos ang gabi nakapag dinner kami ng ginisang togue tapos nagtira ako ng konti for the next day for my lumpia sa pag aakalang makakapag luto pako ng lumpia.

Jan 13
6am – nagising na naman ako sa sobrang sakit, and this time to the next level na talga. Ginising ko na si A parang pumunta kami sa hosp kasi diko na kaya.

7:14am
– dumating kami sa hospital, naabutan ko pa ang late shift na midwife, as usual nag stay na naman kami sa observation room gaya ng ginawa namin last time. inorasan na naman ang frequency ng cramps ko at ang heartbeat ng bata.

9am- i was only 4cm dilated, intact parin ang waterbag, hirap na hirap nako kaya nag suggest na ang midwife ng PDA or Epidural Anaethesia, ito yung painless. Bale continous ang contraction pero ang level ng sakit parang normal na menstrual cramps lang, in short yakang yaka. Sa totoo lang gusto ko sanang magemote na kayanin ang labor and birth naturally walang kahit anong gamot, pero after ng maranasan ko ang sakit di na ako nagdalawang isip sinabi ko na talaga kay A isaksak na nila ang lahat para lang mabawasan ang sakit.

1030am
– dumating yung anaesthesiology para ipeform ang PDA. Ito ay local anaestheisa na tinuturok sa spine, so papamanhirin yung buong lower part ng katawan ko. Grabe ilang mins din inabot sa pag turok lang gamot nato, nahirapan yung doctor. ewan baliko siguro yung spine ko hmp.

11am
– umeffect nayung gamot, in fairness as in carry lang talaga maning mani ang labor, nakuha ko pang kumain ng lebkuchen sa gutom ko at nagbibiruan pa kami ni A.

12noon– chineck ng midwife kung nag improve bako, 5cm palang. sobrang bagal ng development ko.

5pm
-naka 2 shots nako ng PDA, pero ang problema mabagal talaga ang development ko. This time was 8cm pero dipa rin bumababa ang baby at the same intact parin ang waterbag ko. Nagdecide na ang doctor na putukin ang waterbag para ma encourage na bumaba ang baby. Pero sabi ng doctor risky ang pag putok ng waterbag, pwede kasing sa sobrang bilis ng pagkilos ng baby ma discolate ang pusod at pumulupot sa baby or lumusot ang pusod. Kaya after nya maexplain yung method na gagawin nya, nag order sya sa midwife na ihanda ang operating room para just in case magkaroon ng problem iemergency cesarian ako pero kung maging ok walang risk, tuloy ang labor. Sabi ng doctor i try parin namin ng 1 hour labor kung di na talaga kaya CS na talaga.

6pm– pinutok ang waterbag ko at thank god wala namang naging peligro. Sabi nila medyo greenish nayung water ko, which probably mean may stress na sa baby dahil sa sobrang tagal ng labor. Unti unti ng wear out ang PDA so back to normal labor na ulit ang lola, grabe this time nag start nakong mag push ng pakonti konti. Unti unti naring bumababa ang baby. Pero feeling ko lantang gulay nako

7pm- I was almost open pero ang problem yung baby malayo parin, parang di na yata sya baba or di sya kasya siguro. Nagdecide na ang doctor na i CS nako dahil mas lalo lang akong mahihirapan pati ang baby kung tatagal pa ang labor, masyado ng matagal ang paghihirap namin pareho. After 30mins preparation, i was brought to the OP room and given PDA again. I was half awake, kaya alam ko lahat ng nangyari, nasa tabi ko si A the whole time. It was a very strange experience, feeling ko nasa ibang planeta nako kasi yung mga ilaw parang ang weird ng feeling.

exactly 8:48pm, Lara Sophie was born, 3130gms,51cm

img_3811

img_3810

Di naman sya malaki para mahirapan ako ng ganun, pero sabi ng doctor maliit daw ang pelvic bone ko kaya di sya nagkasya…haaay buhay ito ang naging experience ko sa panganganak.Sa ngayon diko pa masasabi kung makakanta na ako ng “isa pa isa pa, isa pang baby” =P

Advertisements

7 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. mare wla akong masabi ngayon ko lang nabsa blog mo as in di ako nakatulog sa shift ko…hehehehe sobrang pinahirapan ka ni Lara but thank GOD she’s safe and at the same time risky na din sayo kasi sobra na hirap mo.ngayon alam mo na ang hirap ng panganganak kaya paba ng isa? nakakatuwa ang taba nya at ang lusog sana mana kay leelai hehehehe..mare miss to chat with u im so very happy for you……..now you can say that your life is COMPLETE……

    Leah

  2. uy, ayan na si lara sophie. kyutie ;D congrats sa bagong nanay at tatay.

    alam mo ako ganyan din kay panganay, na wee-wee tapos may blood stain, ayun, sabi ko it is time. nag shower ako at nag drive papuntang hospital. inabot ng mga 5 hours ang labor ko. yung kay bunsoy naman putok na yung water, pero inabot sya ng mga 6 hours bago lumabas. pero hindi ko kinailangan ang injection

  3. ay naku, grabe ang story..mahaba haba ang labor nito ah.. pinahirapan ka nga ni Lara Sophie pero it’s all worth it. naaliw naman ako sa story mo with the togue and the lebkuchen 🙂

    eto ang link don sa dinner krimi http://www.dinnerkrimi.de/FFM

    in german yung pinanood namin pero may english rin na coming this april ata, check the website, sa frankfurter hof yung english ata this april. super enjoy, medyo mahal siya pero worth naman yung price kasi may pricey dinner and show ka na, all in one at 3.5 hours yun minimum.

    sige mommy, till next time 🙂

  4. Congrats! Ang cute! Ikaw talaga, bakit mo ko tinatakot??

  5. Wow lai! very adorable lara!congrats to you & your hubby! welcome to the wagon of sleepless muttis hehe

    thanks sa addy,btw got something for li’l lilay;)

  6. Lilay, im so happy for you and andy.

  7. Lilay!

    huli man! Congrats!!!

    medyo nakakakilabot iimagine ung pain habang naglalabor ka.
    naalala ko dati nung nag assist ako sa nanay ko sa pasyente nya na manganganak, mag ka wee wee at ebs na sya sa hirap.

    eniweis, wishing you all the best on your journey to parenthood!

    eyna


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: