medyo latest update

Nobyembre 10, 2008 bandang 11:51 umaga | Ipinaskil sa buntis posts | 7 mga puna

Oct 28 (anak is 7mos)

One day before my birthday ang OB schedule namin, big day nga ito gaya ng last kong nabanggit sa last post ko. Pagdating namin sa clinic shempre routine check up of my urine, blood pressure at weight. My god 67.7kgs nako…kakaloka, BP is 112/60 so far normal naman daw ang lahat. Pagkatapos ng lab dumirecho kami sa isang maliit na room para sa CTG or Cardiotokographie; Dito ioobserve ang heartbeat for 30mins, pati narin kung meron akong contractions. Ang normal rate daw is between 120-160, in fairness normal naman ang heartbeat ni anak. Ang ingay sa loob ng room pero ganun pa man daig pa namin ang nakikinig ng music, shempre musika sa tenga ang heartbeat ng baby namin. Ang dalas rin yang sumipa, the whole time parang gusto nyang sipain yung mga wires, at everytime na gagawin nya yun na didisplace yung mga wires kakatuwa =). After ng CTG naghintay na kami sa waiting room para check up ni doc. Nung turn na namin, usual tanong tanong kung ok ang lahat at pagkatapos pinapunta na nya kami sa utrasound room, shempre ang pinakahihintay na moment ni bossing. Malaki na ang baby sa tyan ko, parte parte nalang ang pwedeng makita, di na kaya ng machine na kunan ang buong baby. Sa ultrasound feeling ko kamukha ni bossing ang baby, swerteng bata hahahahah, pero sabi nya kamukha ko daw. Basta carry nalang kung sino ang kamukha ang importante malusog at normal. Ok rin ang resulta ng CTG, normal ang heartbeat ng baby at wala rin akong contractions pa. After ma print ang mga kopya namin, derecho naman kasi sa isang pang OB para sa 3d ultrasound.

img_36600

Ok rin yung isang OB, mabait din at simpatiko, sya rin yung magiging atteding OB sa delivery ko, resident kasi sya ng hospital kung saan ako manganganak. Medyo di lang kami sa pinalad sa 3d ultrasound, ito kasing si lilaybulilit natulog tapos pumuwesto ng nakatago so hindi makakuha ng magandang view si doc kainis, sayang yung punta namin. Nakapag print sya ng isang picture buti nalang di kami pinagbayad, ang mahal pa nama kung saka sakali, nag ask nalang sya ng panibagong schedule. Babalik kami sa Nov 26, hay di pa naman lumalabas pasaway na hehehe

Advertisements

7 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. mare kakatuwa naman yung story mo..alam mo ba habang binabasa ko yung blog mo eh masaya ko kasi may sang tao na deserving lumigaya at ikaw yun..basta lagi ka mgingat ha at sana di na pasaway si lilay bulilit para mashare mo naman ang picture nya sa loob ng tiyan mo ok…love you mare

  2. hi lillaybullilay,

    wow, congrats, buntit ka?

    wow………..nice…………..ingat ka dyan.

    psst………….saan yon room na yan…..sa gene mo?
    grabe na man, nag-kuripot na talaga, kahit saan.

    sorry, kasi yon, buntit pa ako, ang room ng ganito, ginagawa sa iyo……ganda yon bed at saka completo, parang makatulog na sa bed…………heheheh

    mabuti pa man yon ambulance……………ay sorry ha?

    huwag isabi sa gene mo, baka maghingi sa akin ng ibili ng waterbed sa praxis nila…………….lol

    wala akong datong….hehehe

    jokes only………..

    bitaw, yon banana blossoms, mabili mo sa asialaden, galing china or thailand.

    name sa packung ay Lily´s blossom……………subukan mo sa asialaden nyo dyan,

    pag wla, sabihin mo sa akin, padalhan kita, ok?

    mora lang yon, 1.50euro lang ang 200grms siguro yon, marami na.

    tapos pag maloto ka nito, hugasan mong mabuti, ng lukewarm wasser, kasi salzig yon.

    sigi, sabihin mo sa akin pag hindi mo nakita, ok?

    padalhan kita.

    bigay mo sa akin ang adres mo,….basta sabihin mo sa akin.

    have anice sunday there, ingat ka at baby mo.

    regards

  3. weeee – ang laki na talaga ng tyan! tuloy EB natin this december with pokwang ha

  4. hallo lilay,

    sorry, meron akong post kahapon or the other day,
    nawala…….sorry kung meron comments akong masama ha?

    ay oo nga, nagpunta ako kanina sa asia store, binilihan kita ng banana blossoms na.

    kung gusto mo, ipadla ko sa iyo, pls bigay mo lang ang adres mo, i send it through post nalang.

    sigi, regards,

    vk

  5. kengs:oo naman tuloy ang EB sa december at sana matuloy na bago ako manganak.

    ms VK:
    thank you sa pag dalaw, ok lang yung comment di naman masama, totoong maliit lang yung CTG room, 2 maliit na bed ang meron. pwede narin, di naman ako matagal nag stay dun mga 20mins lang tapos =P, thanks sa banana blossoms, nakita ko na lily’s blossom pala ang pangalan ang akala ko kasi nung una water lily yun kaya diko binili hehehhe, visit ka ulit dito ha =)

  6. Lilay: Wow ang laki laki na ng tiyan mo! malapit na!! tapos i wewelcome na kita sa sleepless nights club hehehe

    Ingat palagi!

  7. natawa ako sa sinabi ni cheh, hindi mo ba alam na kaya nagkabebi e dahil sleepless nights din yon, hahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: