Nakakasawa rin pala

Agosto 14, 2008 bandang 7:16 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Nung bagong dating ako dito, winter yun. Kaya naman nung mag spring namangha talaga ako ng una akong makakita ng puno ng mansanas. First time ko kasing makakita ng totoong puno ng mansanas dahil wala naman samin nun. Lalo pa akong na excite ng magumpisa ng mamunga na sa umpisa eh para lang silang bayabas. Araw araw lagi ko silang inaamoy, kasi diba ang bango bango ng mansanas, pero pag maliit pa wala naman silang amoy?ewan ko ba kung ako lang ang ganito, banung bano talaga ako sa manasanas. Naalala ko kasi nung maliit pa ko,este nung bata pako kasi hanggang ngayon maliit parin ako =P, napapanood ko sa Sesame Street yung mga bata na kumakain ng mapula at malutong na mansanas. Samin kasi nung mga panahong yun, tuwing pasko lang kami nakakabili ng mansanas bukod sa tuwing pasko lang marami mas mura din ang presyo. Ngayon nandito nako sa DE di man kasing pula at kasing lalaki ng mansanas tulad sa TV ang mansanas sa garden, mansanas parin sya. Punong puno at hitik na hitik sa bunga ang dalawang punong ito. 2 Klase ng mansanas meron dito isang Golden Delicous ito eh green apple na green lang sya forever, ang isang klase diko alam ang tawag di rin alam ni mil. Pero kung titingnan ito eh parang maliit na version ng Fuji apple sa amin, magkahalong red at yellow.
Panahon ngayon ng mansanas dito sa DE kaya naman lahat di magkamayaw ang mansanas sa pagtubo. Sa sobrang dami di na namin alam kung ano ang gagawin. Di naman kami maka pamigay sa kapitbahay kasi halos lahat din naman sila dito may puno ng mansanas. Nakagawa nako ng apple cake,apple juice,apple pie, at gabi gabi apples din ang kinakain naming panghimagas.Healthy naman sya kaya lang sa dami nagsasawa nako. Diko na sya maapreciate tulad ng una kong dating dito sa DE, ngayon ko na realize na ang isang bagay pala kapag marami di mo narin naapreciate mas masarap parin yung minsan kulang atleast medyo natatakaw ka. Yung ibang apples binibigay namin sa may mga alagang kabayo esp yung mga nakain na ng mga ibon para naman di lang sa compost mapunta. Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin dati na may puno ng Alatires pinipilit pa nya kaming ng mga kalaro ko yung puno para lang pitasin yung bunga kasi nagkakalat lang sa lupa. Hay parang gusto ko tuloy ng Aratiles =(

Advertisements

3 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. Ganon? dami niyong apples? hmm penge naman 🙂 wala ako niyan eh.
    pero alam ko ibig sabihin niyan yung super sawa ka na sa ani kasi ganyan rin nangyari sa kin sa raspberries and red currants ko, feeling ko lang eh kumain na ako ng 10 years supply .. everyday na lang up to sawa, ngayon naman kamatis madami ako, kasi yan ang tanim ko.eh di ko alam na mamumunga pala siya to the max.

  2. Pokwang:sure punta ka dito hehhe, hay dito rin ang daming kamatis, sayang lang kasi ngayong bombom ako nawalan ako ng gana sa kamatis =(

  3. Haaay ganun talaga kung ano ang wala yun ang hanap. Kung ano ang meron, nakakasawa.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: