alam ko

Agosto 12, 2008 bandang 7:43 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 3 mga puna

Alam ko matagal tagal ko ring napabayaan ang blog na ito. Tama si Kengkay busing busy talaga ako. Diko na nga alam ang gagawin ko, ang hirap, ang hirap hirap kumilos pag ang isip at katawan mo eh hindi sang ayon. Ganun talaga siguro pag nagdadalang bata =). Well ano ba ang mga pinagkaka abalahan ko lately, wala namang espesyal. Buong oras lang akong nasa bahay, at nasa kusina. Kain ng kain ng kung ano ano. Luto ng luto ng kung anong maisipan. Gustuhin ko mang lumabas, sa sama ng panahon lately kakatamad rin. Eto nga pala ang mga nagpagti tripan kong pagkain:


Tinola with partly hinog na papaya at spinach, medyo weird nga kasi yung papaya gusto ko medyo hinog na bago ko lutuin.


Shempre di nawawala ang Mangga at Bagoong sa mga buntis, symbolism yan hahahah, samahan narin ng Skyflakes.


Dilis,Kamatis at Suka, diko na sinama sa picture yung pang construction worker na kaning lamig.

Yan ang aking activities sa mga curious. Puro chibug, minsan sa gabi palang iniisip ko na kung anong kakainin ko kinabukasan. Alam ko na hindi magandang pangitain pero ano ba ang magagawa ng isang buntis na pinay na jologs sa dayuhang bansa *senti na homesick pa*

Advertisements

3 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. gusto ko yang dilis tapos sawsaw sa suka na may konting toyo at sili, yum! teka muna, saan mo naman nahuli yang maliit na isda na yan, ha? ganyan talaga buntis, matakaw – pero bakit ako hindi naman buntis pero matakaw pa rin, hehe

  2. uy sarap naman ng tinola, pero teka lang san galing yung mangga? hmmm, naku kakalaway naman. sige ingat ka dyan, sa pagbubuntis. ano ba yan feeling ko lang the whole world is full of buntis, pramis. dami kong friends, kakilala, kapitbahay, ka work, ka away, kaklase and so on, lahat sila buntis. weird ah

  3. kengs: kahit naman nung di ako buntis matakaw din ako heheh

    Pokwang: sa asian market ko na iskor yung mangga. Ewan ko ba, parang ang daming buntis nga lately


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: