Adik

Hulyo 16, 2008 bandang 7:42 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 6 mga puna

tama ang basa nyo, pang adik nga ang title ng blog na to. sa sobrang pagka adik ko ang dami ko ng pending post haaaay. nagsimula ang pagkalulong ko ng mabasa ko ang post ni Toni, sya ang dahilan heheheh joke lang. nagbigay kasi sya ng link ng kung saan pwede kang manood ng mga local tv programs sa pinas kaya heto nadagdagan ang daily routines ko na dati rati pagkagising eh nagbabasa lang ako ng news sa internet ngayon na nanonood narin ako ng mga tv programs, minsan nalilimutan ko na ang oras pati ang mga gawaing bahay. waaaa kailangang ma break ang bad habit na ito or else masesesante ako ni bossing. anyways, sa mga gustong mag take ng risk eto ang link bwahahahah!!!!! hawa hawa na.
secondly, gusto ko rin ulit magpa late thank you na naman at i post ang pagtatagpo ng kengkoy ni kengkay at ng bossing ko. nangyari to 2 weeks ago na ata ang nakakalipas. sa tulong ng navi natunton namin ang in fairness di naman mahirap hanapin na lugar ni kengkay,kaya pwedeng ulit uliting puntahan. nakakatuwa yung dalawang little kengkays na nagaabang sa may pinto, may balloons pa sa may gate para siguradong di kami kumatok sa ibang bahay =). masaya at exciting sabadong yon, at masarap din ang spare ribs na hinanda parang pagkatapos nun spare ribs na ang pinaglilihihan ko hehehe. at shempre ang super friendly and at home na ambiance na pinamalas ng mag asawang kengkay at kengkoy. walang humpay ang excitement bago pa man ako matakam sa ihaw ihaw ay pinakahakot na ni kengkay ang mga pina mana nyang Wickeltisch or change table/cabinet, diko alam sa english pero ito yung table kung saan mo pwedeng palitan ng pampers si baby at shempre ang jontis get up na super cool at gustong gusto ko talaga, sinukat ko na lahat pag dating ko sa bahay. san kapa diba?libre ihaw ihaw na may free shopping pa, thank you kengs grabe walang paglagyan ang aming kasiyahan, sana gumanda lang ang panahon at uminit ng husto para naman kayo naman ang dumalaw dito samin at makapag papresko, ang lamig pa kasi =(. eto ang peechures ng mga biyaya..

Advertisements

6 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. Hello Lilay, naku kaya naman pala nawala ka sa blogosphere, eh naka ilang balik ako dito walang new post. pambihira ako pala ang salarin πŸ™‚ sabi ko na nga ba eh, talagang nakaka addict yan. nahanap ko lang yan dati nung may sakit ako .. feeling ko ayaw ko ng gumaling kasi super nood ako ako ng tv to the max.

    wow bait naman ni kengkay, napa-aga ang christmas gift/s mo! at may spare ribs pa, yummy, parang gusto ko tuloy kumain ng spare ribs, yum yum!

    nga pala nag umpisa na rin ako ng tagalog na blog dito sa wordpress kaya wag kang magulat kung sino ako, ako pa rin si Toni pero aka Pokwang. see you and happy viewing.

  2. hehehe, naka extra na naman ako dito πŸ™‚ welcome, mabuti nga at nagkasya sa yo ang mga jontis fashion e. medyo mahirap akong ma adik dyan sa link ni toni kasi wiz talaga ako hilig manood ng tv ang pinagkaka-abalahan ko ngayon? yung mga na hoard kong true crime stories sa amazon.de, hehehe

  3. hello lilay,. teka lang prang nag comment na ako pero nawala, hmmm.. sige ulitin ko na lang…
    uy sikat ako dito sa post, plugging πŸ™‚ – naku po, sorry ha, walang sisihan pero like you naging Adik rin ako dyan. kaya ngayon ikaw naman πŸ˜‰ hawaan lang kumbaga.
    bait naman ni kengkay, namigay na ng christmas gifts kahit summer pa lang,.
    kengkay, medyo na intriga ako dyan sa spare ribs na yan ha, hmmm TL ako (tulo laway) ;O
    nga pala lilay gumawa na rin ako ng tagalog na blog, naengganyo eh, itong si kengkay kasi influential blogger. check it out ha, ni link na rin kita don ha.
    http://www.kandiritan.wordpress.com

  4. uy..

  5. hello lilay, kamusta ka na? busy pa rin ba kakapanood tv? este internet streaming pala? uy ok ka lang ba dyan? sige nagpaparamdam lang naman.. ingats

  6. pokwang, si lilay busy magpalaki ng tyan, hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: