Bagong bahay,bagong buhay

Hunyo 18, 2008 bandang 3:34 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 9 mga puna

Matapos ang ilang linggong tamad tamaran, naka ipon rin ako ng lakas para mag blog. Kahit anong pilit ko kasi talaga hindi ko magawang mag type. Parang may maibigat na bagay na ewan ko ba, pumipigil sakin at gusto nalang matulog at magpahinga.
Anyway ang blog na ito may 2 kwento. Ang una ay ang bagong/luma naming bahay. Bago kasi bagong lipat kami hehehe, luma kasi di naman bago yung bahay..gets? Naglipat kami nung May 31, kasagsagan ng ulan. Di umayon ang panahon kaya naman may iba sa aming gamit ang nabasa pero di naman ganun ka laki yung damage kaya medyo kalmado pa si bossing. Hindi ako nakapag participate kung bakit?mamaya ko na ikukwento. Habang ang mga lipat boys and girls ay busing busy sa paghahakot at pagbubuhat ako naman ay nakahiga sa isang sulok ng kwarto, putlang putla at walang lakas, bakit?mamaya na.
So eto ang mga naipon kung peechure ng garden. Ang paborito kong tambayan. Bukod sa pwede kang sumalisi tuwing kakalam ang sikmura dahil sa ibat ibat prutas na pwedeng pitasin. Meron ding swimming pool na pwedeng liguan basta ba tama ang init ng panahon dahil kung hindi mangangatal ka sa lamig, di bale na lang. Ang ibat ibang puno at bulaklak na nagpapakulay sa kapaligiran. May kalakihan ang garden na ito kaya naman tamang tama sa mga gustong mag sun bathing na laging ginagawa ng mga inlaws ko hahahahah..bukingin ba?, anyway enjoy!!!


oh wag nang pansinin ang madungis na paa hahahahah

Literally sa Bubong kami ng haus na ito nakatira. Parang 3rd floor, bukod don meron paring Attic.

At shempre ito ang aking laging inaani sa araw araw, maliliit pa kasi ang mga mansanas at peras kaya di pwedeng sekwesteren heheheh

Next na kwento, di lingid sa marami lalo nayung malalapit sakin na ako ay isang operada. Korek, isa akong produkto ng salamat po doctor. Dec 2007 ng malaman ko na ako pala ay may naipon na perlas sa aking matres. Korek again, perlas ito. Kaya lang di sya pwedeng gawin kwintas kainis. Anyway, ito yung mga time na nagdecide na kami na dalhin sa next level ang aming pagmamahalan sa isat isa ni bossing in short gusto na namin ng makulit sa bahay. Sawa na daw kasi sya sa kulit ko. Matapos ang masusing pagsusuri napag alaman na ang perlas na ito ang humahadlang para ako majontis. So Feb ng taong kasalukuyan ako ay nagpaopera, isasabay ko na sana ang noselift di lang pumayag yung financer ko hmp, self fish hahahah. Sa madalit salita naoperahan ako at na ani ang mga perlas, matapos ang 3buwan ng akoy maoperahan, 2 araw matapos ang bday ni bossing meron akong hindi magandang naramdaman, parang kakaiba, hindi maipaliwanag at ito ang resulta.

Hindi yan bulate, mukha palang bulate hahahah. Korek again and again may isang buhay sa loob ng tyan ko. In fairness successful ang operation, salamat doc. Lahat kami masaya sa bagong balitang ito, naway mag tuloy tuloy at walang maging problema. Kailangan ko ang inyong dasal at suporta…

Advertisements

9 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. hello, ikaw ba si lilaybulitay na dumalaw sa kin? salamat sa dalaw at sa recipe ng red currants.. di ko alam kung ikaw nga yon pero i googled you mare and found you..pano yung comment eh di ma trace..walang link..
    hmm curious ako diyan sa mga tests mo para majontis ka, will talk to you more about that later. kasi baka mistaken identity pa ako..

  2. Hi Toni,
    ako nga si lilaybulilay hehehe,lurker kasi ako talga kya hindi ako nagiiwan ng bakas. Yan din ang unang reklamo ni Kengkay sakin bago pa kami nag meet. Your always welcome sa recipe, at sure pwede nating idiscuss ang mga tests ko =)..link na kita ha =P

  3. hi lilay, nice to meet you in the blogosphere– hehe.. sige link rin kita para di na kita hahagilapin sa google. have a nice day 🙂 babalikan kita dyan sa tests ha…

  4. Lilay!!

    Congrats!!! Bagong bahay, bagong buhay at bagong buhay sa tummy!!!

    Parang gusto ko kaagad maghubad (oops censored)at maki skinny dip dyan sa pool nyo habang umiinom ng juice at pumapapak ng mga prutas na inani mo hehehehe.

    PS. pssst ate Toni!!! para na tayong paro paro … hehehe. puwede na tayo bumuo ng girl band sa alemanya nila ate kengks at lilay … ang saya malamang nito pag nagkita kita tayong lahat!

  5. oo nga ‘no, liit ng mundo dito sa alemanya 🙂 naku yan ang project natin dapat kitakits with the blogger friends 🙂

  6. korek girls..dapat talaga mangyari yan, haaay kelan kaya???

  7. ahahahaa, may tambayan pala dito bakit ako nahuli, hmpf 🙂 uy eyna, toni, lilay – gawa tayo ng gel band dito sa alemanya, hehehe. anyway, so congrats na nga di ba sabi ko? tapos kinukulit na ako ng mga little kengkays na magpunta dyan sa inyo kasi mag swimming daw sila. pero sabi naman ni kengkoy e kayo daw mauna magpunta dito para makita nyo muna yung mga gamit na pwede nyong i-sequester sa amin. so, pano?

  8. hahah sige ako nalang yung taga Triangle hehehe…
    Kengs:kayo basta anytime weekend, pwera this weekend kasi dipa kami tapos magpintura sa kabila at may bday din kaming aatenan.

  9. hokay, wah di kami this weekend at may turnfest ang mga kids at sempre ang nanay kengkay na trainer kuno, wweeee


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: