ice ice candy
Mayo 18, 2008 bandang 5:10 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 15 mga punaMatapos ang bday celebration medyo may hang over pako sa pagkaing pinoy. Summer na summer dito sa DE, bagamat may sariling way ang mga aleman para magpalamig..andyan ang ibat ibat klaseng ice creams at ice cafes, naisipan ko ring gumawa ng sariling ko pampalamig. Tuwing summer palaging bumbili si Bossing ng ice candy sa supermarket. Tulad sya ng ice pops na nabibili din sa supermarket sa pinas or sa suking tindahan na medyo may kamahalan. Ayokong makipag kompitensya sa ice candy nila dito, pero dahil na miss ko ang pinoy ice candy naisipan kong gumawa.
Dahil nakabili kami ng murang melon sa fleemarket nung nakaraang sabado, naisipan kung gamitin ang tirang melon para sa aking pinoy ice candy. Kung nagtataka kayo at bakit may plastic ng ice candy ako ito ay isa lang sa mga pina kisuyo ko sa isang kong pinay na friend nung umuwi sya samin. Wala kasing plastic ng ice candy dito, KJ hehehe. Anyway, habang tulog si bossing busing busy naman ako sa kusina sa kaka salin at buhol ng aking pinoy ice candy habang nagdadasal na sana magustuhan rin nya. Di kasi sya mahilig sa melon.
Ito ang aking finish product.
Matapos naming magsimba at mananghalian ito ang aming panghimagas, in fairness isa namang hit kay bossing, nagustuhan nya ang aking pinoy ice candy sabay hirit na sana daw maka hanap kami ng mangga para mas masarap…demanding heheheh, kung sabagay sya lang naman ang aking no. 1 fan.
Naalala ko tuloy nung bata pako, sa gilid ng bahay namin malapit sa pinto, may karatulang “Ice,Ice candy,Ice water 4 Sale” na gawa sa karton ng sigarilyo na ginamitang ng pentel pen. Tuwing summer si nanay gumagawa ng ice candy. Medyo malapit kasi sa basketball court ang aming bahay. Kaya naman tuwing pagkatapos mag basketball ng mga boys dadaan muna sa bahay para mag palamig. Shempre best seller ang ice candy ng nanay ko ibat ibang flavor may Buko, Avocado,Melon at ibang gawa sa Sunny Orange,Strawberry,Grapes meron din Milo minsan. Marami pang gimik ang pinoy pag summer andyan ang Halo Halo, Ice scrumble, Dirty ice cream, Shake, Palamig atbp….Magaling talaga ang pinoy, simple lang pero Rock.Happy Summer!!!!
15 mga puna »
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI
Mag-iwan ng Tugon
Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.
penge π at san ka naman nakabili ng pangkayod sa melon mo? kami malapit lang sa fabrik verkauf ng langnese kaya pwidi na rin.
Comment by kengkay— Mayo 18, 2008 #
Kengs: oo ba, ilan hehehe palulusutin natin sa kawad ng kuryente. Dala ko yang pangkayod ng melon nung last na umuwi kami, alam mo naman dito pahirapan sa mga ganyan ganyan =P
Comment by lilaybulilay— Mayo 19, 2008 #
pabile!!! pabile!!! pabili ice candy!!!!!
***
aha!!! ilalagay ko yan sa listahan: bumili ng pangkayod ng melon, panggadgad ng niyog at plastik ng ice candy sa susunod na pag-uwi. samahan na din ng milo :))
***
ginagawa ko din dati gatas na ice candy. π
familiar ba kayo dun sa fruiti pop? parang ice candy sya o cold drinks. nagtinda kami dati sa min nun. kaso nalugi tatay ko kasi binubulsa ko lagi ung kita ahehehe.
Comment by eyna— Mayo 19, 2008 #
Eyna: isama mo narin ang Yema wrapper at Pulvoron molder sa listahan mo pleeez =P. Oo naman alam ko rin yung fruiti pop hehehe.
Comment by lilay— Mayo 19, 2008 #
Pasalamatan magiliw balutin…
Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )
Comment by poychte— Mayo 20, 2008 #
yummy yummy naman ang ice candy mo. Itsura pa lang, nakakasabik nang kainin.
Comment by nanay belen— Mayo 20, 2008 #
nanay belen: salamat po =)
Comment by lilaybulilay— Mayo 26, 2008 #
oo nga no…parang wala akong maalalang cellophane dito. hmmm. cge π pero ga jurassic years bago ako magkaroon ng chance maka-uwi ulit sa tin :-S haaay…
ahh minsan nga pala ung mga 1-euro shop madaming product from asia. nakakatuwa π
uy bukas daw 30 degrees temp. puwede na ko mag shorts at tsinelas hahahaha.
Comment by eyna— Mayo 26, 2008 #
musta ka ba bulilay?
Comment by kengkay— Mayo 27, 2008 #
I remember much yung Sunny OraNGE na juice drink…
Comment by Star-Tariray— Mayo 30, 2008 #
ano na, kwento ka naaaa, hahahah at dapat may matching pekturs
Comment by kengkay— Hunyo 9, 2008 #
Somehow i missed the point. Probably lost in translation π Anyway … nice blog to visit.
cheers, Disbelievingly.
Comment by Disbelievingly— Hunyo 19, 2008 #
Kengs: im fine, eto naglilihi medyo maselan hay naku ang hirap panay ang emote ko everyday =(
Star: Oo favorite ko yung grape at strawberry, memorize ko pa nga yung jingle eh hehehe
Kengs: Hay psensya na at tamad na tamad pako talga =P
Disbelievingly: Thanks for your visit,unfortunately i have to write it in my own language to give more justification and feelings =P, but i would gladly translate everything for you,if you want hehehe
Comment by lilaybulilay— Hunyo 20, 2008 #
wow, yummy itong ice candy mo, sayang di ko na naisipan pabili ng plastic para diyan pero di pa huli ang lahat sa next na kakilala na darating dito eh papabili ako nyan. inggit ako sa ice candy.
naku may mangga dito sa indian/asian shop, medyo mahal pero pwede na rin patulan
Comment by Toni— Hunyo 22, 2008 #
oo nga dito rin nakakita ako ng mangga kaya lang ang mahal din =(
Comment by lilaybulilay— Hunyo 23, 2008 #