pinoy bertday

Mayo 17, 2008 bandang 7:08 umaga | Ipinaskil sa buhay-buhay | 5 mga puna

Sa awa ng dyos nakaraos naman ng maayos ang bertday celebration ni A. 2 days before tinanong ko na sya kung anong handa ang gusto nya, binigyan ko sya ng pagpipilian: menu #1 Spaghetti,chicken bbq & cassava cake or menu # 2 pancit,lumpiang shanghai,cassava cake. Hindi mawawala ang noodles or pasta, kasi sa pinoy longlife daw yon. Wala kaming bisita kaming 2 lang talaga hahahah pero parang may party. Hindi kasi sya pwedeng mag birthday leave dahil sa dami ng deadlines nila ngayon. Kaya naisipan nalang namin ng bonggang dinner together. Nahirapan syang magdesisyon lahat kasi ng nabanggit eh pareho nyang paborito. Pero dahil sa madalas ang pancit dito sa bahay, mapa bihon, canton at isama mo narin ang lucky me pansit canton nag decide sya sa menu #1. Pero dahil sa labs ko nga nilutuan ko parin ng lumpia so pancit nalang ang na vote out. Mahilig din sya sa Cassava cake kaya naman pas gusto nyang mag bake ako non kesa sa traditional cake. Masuwerte ako kay A kasi hindi sya maselan sa pagkaing pinoy. Kahit anong ihain mo kakainin nya, kahit paksiw na isda at munggo go parin yan. Maaga akong nagising para mag linis ng bahay at pagkatapos ng pananghalian nag start nakong mag prepare para sa dinner for 2. Tumawag ang mga inlaws at isusurprise daw nila si A after dinner dadaan sila dito para ihatid ang mga gifts. Medyo maaga naka uwi A, 530palang nasa bahay na sya kaya medyo nangarag ako pero since sa bahay lang naman kami medyo na carry ko parin. Happy happy naman sya at contented sa kanyang handa, proud nyang pinicturan ang pagkain. Masaya rin sya sa nabili kong regalo, isang suspense fantasy na libro at bday card. Masayang masaya ako at ngayon makalipas ang mahabang panahong magkahiwalay, magkasama na naming sinicelebrate ang mga birthdays. Marami ang natira pero hindi ako nabahala, kasi binaon nya pa sa office kinabukasan…walang sawa hehehe.

Advertisements

5 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. nakakagutom naman!!!

    masarap ang cassava cakeeeee!!! kaso di ako marunong gumawa :/

  2. ang taray, marunong mag luto ng cassava cake at lumpiang shanghai, waaaah. alam mo bang yan ang frustrations ko, hindi ko sila magawa dito, wala akong lakas ng loob, helpffffff. magturuan nga tayo, naks, turuan daw am sure makikain lang ako, hahaha

  3. Kengs: no problem, pag nagkita tayo ulit gagawan kita ng Cassava cake pwamis!!!

    Eyna : Madali lang pag gawa, lakasan lang ng loob. i share ko ang recipe.

  4. tama mag turuan tayo! pero gusto ko din makikain lang ahahaha!!! cge lilay share mo recipe sa min!!! teka, madali ba humanap ng cassava? medyo di talaga ako pinagpala at probinsyang probinsya dito sa tinitirahan namin eh. wala lahat lahat kabukiran lang. kailangan ko pang mag bus ng 30 km para sa nearest asia shop!

  5. sa may Caree merong Asian shop don diba, maraming Cassava don dun ako bumibili minsan, oo ipo post ko yung recipe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: