strawberries and friends

Mayo 20, 2007 bandang 8:33 hapon | Ipinaskil sa buhay-buhay | 2 mga puna

Dito sa DE hindi biro ang buhay naming mga nalayo sa pamilya at mga kaibigan. Kaya naman pag may pagkakataong makipag kaibigan sa kapwa pinoy ay sinusunggaban ko na talaga. I met Anne from my friend John. One time nung naka chat ko si John sabi nya may isang pinay din na tulad ko ang na hohomesick, one month palang si Anne dito non. Pagkatapos magka palitaan ng hi and hellos sa ym derecho na sa EB. Nagkataon namang may kamag anak sila 2hrs lang ang layo mula sa lugar ko kaya dumaan narin sila dito para makipag kita ng personal. Nakakatuwang experience, first time naming magkita pero nung nakita ko sya sa pinto ng bahay namin para syang kapatid or matagal na kaibigan na walang ngiming kong niyakap. Iba pala talaga pag nakakakita ka ng ka lahi mo, iba talaga ang pinoy. Ramdam na ramdam mo ang companionship. Isang bagong kaibigan na parang matagal na, tapos nagkita lang ulit. Pagkatapos naming magkwentuhan nagdecide kaming puntahan ang tambayan ng mga pinoy,san pa kungdi sa Asian market. Masuwerte ako at maraming asian market na malapit dito, at marami rin silang pinoy products. Di tulad sa iba karamihan Chinese, Viet, at Thai products. Shempre pa, panick buying agad ang lola ko hehheeh. Bumili ng walis tambo,chippy,nata de coco,pancit bihon,ufc ketchup at kung ano ano pa. Pagkatapos ay dumirecho kami sa isang greek resto para mag lunch. Malapit lang strawberry field dito sa amin, kaya naman tinapos namin ang araw sa pamimitas ng strawberries, shempre pa enjoy na enjoy ang mga lola pati narin ang mga lolo hehehhe. Madali akong makipag kaibigan, feeling ko lahat ng pinay dito kaibigan ko kahit hindi ko sila kilalala or vice versa. Iba pala pag nasa isang bansa kana, dama mo ang lungkot at pangungulila. Buti nalang may chat at may EB…sa uulitin Anne.

Advertisements

2 mga puna »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. manay, sa bakod namin may strawberry field kami, hehehe — libre pitas kapag hindi ka naunahan ng mga little kengkays.

  2. talaga?wow!! sa bagong balay din namin meron kaya tuwang tuwa ako pati ibang berries.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

%d bloggers like this: