Sorry Im on BLOGATION!!!

27 08 2009




Aliw

7 05 2009

this site made my day heheheh =P





a book wormy bday!!!!

2 11 2008

nov 2 we celbrated my bday, medyo late kasi nasa bakasyunan ang pamilya. Wala akong big celebration for this year kasi mas ngarag kami sa ngayon coz of my condition. We just decided to have lunch outside with immediate family member tapos coffee and cake nalang dito sa bahay after. at dahil ang DE famliy ko eh pamilya ng mga mahilig sa libro….ano pa nga ba ang regalo ko…..

from A – libro at shipping fee ng balikbayan box ko for pinas =P
from sil- 2 libro, ceramic balls for blindbaking.. special request ko yan at flowers
from mil&fil -blouse na wala sa pic, earing na katulad ng sa kanya at kay sil,sweet noh

Thanks for the gifts!!! pero ang pinaka special gift is my lilaybulilit shempre =P, wish????safe delivery and healthy baby…..happy birthday to me!!!!

….img_36766





bakit naman hindi???

23 10 2008

after namin mag chikahan ni kengkay sa phone habang ako ay kumakain ng siopao, patuloy rin ang lakad ng mga daliri ko sa kaka surf, hanggang sa natisod ko ang site nato.siguro marami ng nakaka alam nito, pero i was pleased to see such site. puro goodnews about philis. sa mga kagaya ni kengkay na panay ang bida sa aming inang bayan, bakit nga naman hindi diba…eh totoo namang maganda,maayos at may pag asa ang pinas….sana mas marami pang site na ganito ang dumami sa internet.





wala lang

12 09 2008

wala akong magawa, nakita ko lang habang nag t tv junkie ako ang makulit na video nato





Anak ng kwek kwek naman oh!!!

8 09 2008

isa sa mga ikinatuwa ko nung nagbakasyon kami sa north sea ay ito….

korek!itlog ng PUGO, sinong makakapagsabi na meron nito sa DE. matagal nakong naghahanap sa mga asian markets pero since mahigpit sila sa mga poultry products dahil narin sa bird flu atbp kaya di sila nakaka pag import ng quail eggs, kaya naman ng one time namalengke kami ni bossing at naispatan ko ang mga itlog eh 2 dosena agad ang binili ko. Yung isang dosena niluto ko agad nung bakasyon namin,isinahog ko sa giniling. At yung natirang 1dosena ito naman ang kinahinatnan….

gumawa ako ng TOKNENENG ang anak ng KWEK KWEK, wag ng magtanong kung bakit iilang piraso nalang ang natira kasi yung kasama ko dito sa bahay, nasa kawali palang tinutuhog na. at sya nga pala di sya authentic kasi di kulay orange, sa sobrang excitement ko di nako bumili ng orange food color….hay feeling pinas ulit, the best talaga…next time KWEK KWEK naman





Tag End

5 09 2008

1. Four places I go over and over

Asia Mai market Caree
Asia Mai market Darmstadt str.
Asia International
Kim Asia

hahahahhha wla akong ibang pinupuntahan kungdi itong mga lugar nato =), lahat yan sa Darmstadt kaya naman sana ang EB namin nila Kengkay at Pokwang eh sa Darmstadt din..uuy parinig.

2. Four people who e-mails me regularly

Friendster- Walang kamatayang reminders

Babycenter – shempre para sa aking pang araw araw na information sa pagbubuntis courtesy of Kengs parin yan.

WordPress – comment reminders din

At mga Kaibigan na nagpapapasa lang ng chain emails- kainis diba!!!!

3. Four of my favorite places to eat

Waldheim Landgasthaus -para sa saking authentic Schnizel dose every OB visit, monthly yan parang ritwal hahahah

Shempre kung may Pokwangs Kitchen may Lilays Cucina rin hehehe

KFC – chicken crispies hmmmm, homesick na naman

Gerry’s grill – tinumok, at yung pulutan namin lagi nakalimutan ko na ang pangalan basta halo halong cholesterol may fried siomai,peanuts,fries,chicharon,calamares,onion rings 150pesos lang yun.
kulang ang four para dito never ending list lagi pag chibugan

4. Four places you’d rather be

Baguio – ako din baguio tulad ni Pokwang, di kaso mahilig mag swimming mas gusto ko matulog, humilata tapos presko at malamig ang paligid

Dubai – ang dami ko kasing friends dun sana maka dalaw ako someday

Switzerland – masarap daw ang fondue at shempre chocolates

sa bahay namin sa las pinas – miss ko na ang pamilya

5. Four TV shows I could watch over and over.

The Simpsons – omg kami rin every dinner ito ang pinapanood kahit paulit ulit lang naman

Mein Baby- actual drama kasi ng panganganak, panakot sakin

Wege zum Gluck -alternative sa mga pinoy telenovela, itry naman ang german kahit diko lahat maintindihan talo talo nayan

Britt,Frauentausch marami pang iba….tv junkie ako eh pano bayan

6. Four people I think (and hope) will respond.

kaya Tag end ang title nito kasi dito na nagtatapos ang tag nato, wala akong maitag na iba pasensya na, limited ang circle of blogsphere friends ko =( lungkot naman





peechure peechure

4 09 2008

Alam ko expired na yung kwento ng bakasyon na to, pero anyway ikukwento ko parin =P. Ang sked ng bakasyon ay mula Aug 18-25. One week before naka kuha na kami ng apartment na tutuluyan namin doon. Fully furnished na, mahal kasi ang hotel at shempre para menos sa gastos gusto rin namin magluto luto if ever. Inabot ng more than 6hrs ang drive, umalis kami dito mga 930am na ,tapos puro expressway nalang kaya medyo di hirap si bossing. Shempre may stop over din kami for lunch. Dumating kami sa St. Peter Ording Bad kung saan ang aming apartment 430pm na. Pambihira talaga dito sa DE kung gusto mong mag beach kailangan mo pang bumayahe ng pagkalayo layo. First activity shempre sa seashore agad, sabi ko kailangan kong magpakilala sa beach ng north sea para di ako ma engkanto hehehe.


Ito ang beach ng North Sea, ibang iba sa beach ng pinas. Grayish ang paligid di tulad samin blue ang kapaligiran. Sabi ni A dahil di daw maaraw at may kalamigan ang lugar. Pero ewan ko, para sakin hindi pang summer escapade ang ambiance. Wala rin daw corals puro halaan ang ilalim kasi nga malamig ang parteng ito. Napaka lawak ng beach sand, sa normal na tide ng tubig umaabot na 1km ang lalakarin bago ka makarating sa mismong beach seashore at makasalamuha ang mga alon, kaya pag dating mo sa pampang gusto mo narin humilata sa pagod. Mahangin at malamig, kaya kahit summer naka jacket….kakaiba talaga. Sa pampang palang nagkalat na ang mga shells na walang laman, alimasag na pinagpyestahan na ng mga seagulls. So naisip ko siguro maraming halaan dito, sa cavite kasi naaalala ko pag nagswiswimming kami ng buong pamilya, yung tatay ko naghuhukay sa buhangin at naghahanap ng “paros”, ito ay isang uri ng halaan, kaya naisip ko ring maghanap ng halaan para maluto kinabukasan, masarap ang tinolang halaan noh hehehe.

Kilala ang north beach dahil sa lawak ng beach sand at kakaibang experience kapag low tide. So sobrang baba ng tubig umaabot ng ilang kilometro ang layo ng tubig mula sa pampang kaya sa tamang oras pwedeng pwede kang maglakad sa dagat na walang tubig at ito ang ginawa namin ni A sa second day ng aming bakasyon. Sabi nila di dapat gawin ng walang tour guide kasi hindi safe, dahil pwedeng bumalik ang tubig sa takdang oras kaya dapat laging naka bantay sa oras, pero since wala naman kaming balak iexplore ang buong north sea ok lang na kaming dalawa. Meron din kaming nakasabay na naglalakad sa low tide na dagat, at mga naghohorse backriding kaloka diba. Iba ang experience nato, para kang nasa disyerto diko ma imagine na kapag high tide ang buong paligid ay puno ng tubig, medyo umabot ng 4km ang layo ng nilakad namin mula sa seashore though mahaba pa ang oras, medyo inabot ako ng takot ng biglang sumama ang panahon, pano nalang kung biglang mag high tide, pero sabi ni A di naman daw basta basta bumabalik ang tubig, pero haller ayoko nga i challenge ang nature diba, at di rin ako marunong lumangoy eh di pag nagkataon malulunod ako ng bonggang bongga. Habang umuulan pinilit ko si bossing na bumalik sa pampang, at dahil di lang ako ang naglalakad meron din akong bed spacer sa tyan ko kaya mabagal na lakad lang pwede kong gawin. Sa awa naman ng dyos narating namin ang pampang at may malapit na restaurant at dun kami nag patila ng ulan.

Nung bata pako mahilig akong magpalipad ng saranggola, pero dahil medyo hirap ako nakukuntento nalang ako sa “boca Boca”, ito ay isang simple ng saranggola na walang kahoy or tingting at gawa sa papel. Kaya isa sa naisipan naming gawin sa north sea eh magpalipad ng “boca boca”. Medyo high tech ang saranggola at boca boca dito sa DE bukod sa may rings na kung saan pinaglalagyan ng pisi, di tulad nung panahon ko na sa lata lang ng gatas, eh malaki at stable ang mga saranggola nila pang heavy duty este pang strong wind talaga.

At dahil sa curious ako kung anong ginagawa at makikita sa mud trekking, tinry din namin ito. Bukod sa konting history at kwento ng north sea wala namang espesyal sa tour activity na ito. Bakit?eh kasi ang main event eh maglalakad ka sa putik. Eh sus sanay nako maglakad sa putik hehehe. Nakakatuwang isipin na dito sa DE curious na curious sila kung ano ano ang makikita sa putikan tulad ng maliliit na kuhol at halaan na kinakain ng mga seagulls. Kung sino man ang bumabasa ng blog nato na kababayan ko malalamang makaka relate sa experience ng lumakad sa low tide ng laguna de bay. Meron kasi kaming kamag anak na nakatira sa tabi ng bay. Kaya pag low tide nangunguha kami ng tulya. Ganun ganung ang experience. Habang busing busy ang lahat sa pakikinig habang naghuhukay ang tour guide sa putikan para kumuha ng bulate,kuhol at halaan ako naman eh nasa likod busing busy rin sa pag haharvest ng halaan, gusto ko talagang subukan na lutuin ang halaan ng north sea. Matapos ang tour, umuwi akong tuwang tuwa dahil meron akong nasamsam na halaan. Pagdating sa bahay binabad ko agad sa tubig para pasukahin ang mga cute na halaan para mawala ang buhangin at matapos ang 24hrs ready na silang kainin hehehe. Pero isa akong malaking bigo, ang halaan ng DE ay walang sinabi sa halaan ng pinas. Kaya pala hindi kilala ang halaan dito sa kabila ng sobrang dami ng halaan eh di sila nagbebenta or wala man lang nagluluto sa mga restaurant. Bakit kanyo?puro buhangin, kahit pinasuka ko na sila yung mismong laman ng halaan eh puro parin buhangin kaya di rin makakain, sobrang lungkot kasi namiss ko yung halaan sa pinas. Marami rin alimasag pero di rin sila nagluluto, bakit kaya???iba iba talaga ang tao sa buong mundo, si A cute na cute sa alimasag every time na sasabihin ko na masarap ang alimasag, kawawang alimasag daw haaay, kung alam lang nya ang sarap nyan lalo pag may sawsawang suka at bawang.

Shempre nagbigay respeto rin kami sa mga hayop na andon, kaya bumisita rin kami sa zoo ng St Peter Ording, kung saan meron silang sari saring kahayupan. Ang pinaka favorite ko eh yung seal feeding show. Ang cucute talaga nila mukha talaga silang aso hehehe.

Napansin ko isa narin sa ugali ng mga taga DE pag bakasyon eh bisitahin ang malalapit na city sa paligid ng bakasyunan kaya ito ang aming ginawa. Ito ang Friedrichstadt, ang tinaguriang little Amsterdam. Dahil sa napapalibutan ito ng tubig at mga water channels na ginagamit as means of transportation.

Ito naman ang Husum, isa sa mga ilan lang na maliliit na ports sa north sea. Mula dito pwede kang sumakay ng barko papunta sa mga islands na pag aari ng DE. Dito rin ako nagpagupit ng buhok, meron silang “all 11eu”. Sa walang humpay na pilitan pumayag din si bossing na magpashort hair ako =P

Tamang tama rin ang dalaw namin sa St Peter Ording Beach, dahil sa annual Kitesurf Worldcup 2008, interesting ang sport nato pati narin ang gigantic na saranggolang ginagamit astig hehehe.

At nung last day namin, naisipan naming puntahan ang isa sa mga islands ng DE ang “Sylt”. Ito ay maituturing na isa sa mga lugar na pinupuntahan ng mga celebrities at kilalang tao kung gusto nilang magtago sa mundo. Very private ang villages, cute at maliliit ang vacation houses.Puno ng mga branded at kilalang Marks ang shop nila pang sosy lang talaga. At ang mga bubong mukhang gawa sa kugon tulad sa pinas, hindi lang ako sure kung kugon din yun or ibang halaman ang gingagamit. Sabi ng tour guide umaabot daw sa 8k euro pero sqm ang presyo ng lupa dun, sus eh pano kung lumubog ang isla, sayang naman diba sobrang mahal.

Walang akong peechure ng food kasi di ako masyadong na impress. Famous ang hipon ng north sea pero sa tingin ko mukha lang naman syang “hibi” ng pinas. Maliit pero malasa. Mataas ang expectation ko sa lugar nato pag dating sa seafood, samin kasi pag nasa dagat “one to sawa” ang seafoods pero sa naexperience ko hindi, nung bumili kami ng fresh Dorade fish mas mahal pa kesa dito sa lugar namin, tapos wala namang masyadong variations. Wala rin silang fish market na parang dampa kung saan pwede kang mamalengke ng seafoods haaay. Marami lang fish with bread na pwede mo rin makain kahit di ka pumunta ng north sea. Mahal din ang tahong at iba pang seafood na accdg to A di naman talaga nakukuha sa north sea. Ngayon na curious ako sa Hamburg dahil nakita ko sa tv ang hanay hanay na fresh fish stand. Sana makarating ako ng Hamburg para naman ma justify ko yung seafood ng DE. Yan ang aming one week bakasyon, huling hirit sa tag init kahit medyo late na nung marating namin ang north sea di na pang summer ang weather dahil maulan at medyo malamig narin, enjoy narin!!!!





Bakasyon

17 08 2008

Dahil usong uso ang bakasyon, shempre si Bossing gusto rin magbakasyon. Bukas hanggang tuesday wala kami. Dito ang punta namin. Kaya dyan ang punta namin, ang goal kasi nya eh mabisita ko naman ang mga lugar na ipinagmamalaki ng DE. Dahil ako ay isang islandgirl (pero di ako marunong lumangayon ssssh) sanay ako na ang bakasyon dagat, kaya napili nya ang lugar na yan. Isang linggo akong mawawala kahit na bumubukol na ang bulilit namin, yagyag parin =P. See you next week!!!!





Nakakasawa rin pala

14 08 2008

Nung bagong dating ako dito, winter yun. Kaya naman nung mag spring namangha talaga ako ng una akong makakita ng puno ng mansanas. First time ko kasing makakita ng totoong puno ng mansanas dahil wala naman samin nun. Lalo pa akong na excite ng magumpisa ng mamunga na sa umpisa eh para lang silang bayabas. Araw araw lagi ko silang inaamoy, kasi diba ang bango bango ng mansanas, pero pag maliit pa wala naman silang amoy?ewan ko ba kung ako lang ang ganito, banung bano talaga ako sa manasanas. Naalala ko kasi nung maliit pa ko,este nung bata pako kasi hanggang ngayon maliit parin ako =P, napapanood ko sa Sesame Street yung mga bata na kumakain ng mapula at malutong na mansanas. Samin kasi nung mga panahong yun, tuwing pasko lang kami nakakabili ng mansanas bukod sa tuwing pasko lang marami mas mura din ang presyo. Ngayon nandito nako sa DE di man kasing pula at kasing lalaki ng mansanas tulad sa TV ang mansanas sa garden, mansanas parin sya. Punong puno at hitik na hitik sa bunga ang dalawang punong ito. 2 Klase ng mansanas meron dito isang Golden Delicous ito eh green apple na green lang sya forever, ang isang klase diko alam ang tawag di rin alam ni mil. Pero kung titingnan ito eh parang maliit na version ng Fuji apple sa amin, magkahalong red at yellow.
Panahon ngayon ng mansanas dito sa DE kaya naman lahat di magkamayaw ang mansanas sa pagtubo. Sa sobrang dami di na namin alam kung ano ang gagawin. Di naman kami maka pamigay sa kapitbahay kasi halos lahat din naman sila dito may puno ng mansanas. Nakagawa nako ng apple cake,apple juice,apple pie, at gabi gabi apples din ang kinakain naming panghimagas.Healthy naman sya kaya lang sa dami nagsasawa nako. Diko na sya maapreciate tulad ng una kong dating dito sa DE, ngayon ko na realize na ang isang bagay pala kapag marami di mo narin naapreciate mas masarap parin yung minsan kulang atleast medyo natatakaw ka. Yung ibang apples binibigay namin sa may mga alagang kabayo esp yung mga nakain na ng mga ibon para naman di lang sa compost mapunta. Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin dati na may puno ng Alatires pinipilit pa nya kaming ng mga kalaro ko yung puno para lang pitasin yung bunga kasi nagkakalat lang sa lupa. Hay parang gusto ko tuloy ng Aratiles =(