Help!!!
Marso 5, 2009 at 1:14 hapon | In kamommyhan | 6 CommentsSa mga mommys out there, i need some tips. Ikukuwento ko muna ang buong istorya. Nung nasa hosp pa kami, 2nd night ayaw matulog ni Lara. Iyak ng iyak sya the whole night. Ang ginawa ng nurse nilagyan nya ng bars yung kama ko at dun nya sa tabi ko pinatulog ang baby. Since then, di na nahiwalay sakin ang bagets. First day namin dito sa bahay ayaw nya talagang matulog sa crib. Ewan ko kung anong problem ng baby crib pero ayaw nya talaga dun. Shempre para sa ikatatahimik ng lahat sa kama namin sya ni bossing natulog, kaya until now samin parin sya naka pisan. Sa totoo lang, walang problem sakin ang matulog sa kama namin si Lara, kasi sa pinas ganun talaga, ewan ko lang sa iba. Nung buntis pako nasabi ko sa nanay ko na may sariling kama at maliit na kwarto ang baby, bakit daw hindi ko sya itatabi sakin kasi nga ganun kami nasanay lahat magkakapatid, humiwalay nalang nung medyo malaki laki na, pero pag sanggol sa nanay talaga natutulog. So balik tayo sa aking bubwit, ayun nga ay ayaw nyang matulog sa baby crib. Dito sa DE hindi advisable na itabi ang baby sa kama ng parents dahil delikado, meron kasing mga cases at pangyayaring hindi maganda sa mga babies na hindi ko na sasbihin kasi ayokong ientertain ng idea, basta pwedeng hindi makahinga ng maayos yung etc etc. Kaya ngayon medyo nagwoworry rin ako, gusto ko rin shempre matutong matulog sa sarili nyang kama ang baby pero kung ayaw nya talaga anong gagawin ko. Lahat na nagawa ko mula gamit na tshirt ko,relaxing cds, wa epek. Napagusapan namin ni bossing na pag medyo malaki laki na sya like mga 3mos siguro, itatry ulit naming patulugin sya sa crib. Masarap lang ang tulog nya pag sa tabi ko sya natutulog,haaay buhay pano bato?

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.
